Ebalwasyon sa sanayang gawain sa Filipino: Pinagyamang kagamitan para sa Persons Deprived of Liberty (PDL)

2023 IJRSE – Volume 12 Issue 6

Available Online:  28 July 2023

Author/s:

Ondras, Lucky*
Department of Education Region VIII – Leyte Division, Hampipila National High School Abuyog South District, Philippines (lucky.ondras@deped.gov.ph)

Ariaso, Rowena
Leyte Normal University, Philippines

Abstract:

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa ebalwasyon ng nilalaman, wika, layout at disenyo ng mga sanayang gawain sa Filipino tungo sa pagbuo ng pinagyamang kagamitan sa Baitang 11 para sa mga mag-aaral na Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Cagbolo Senior High School sa Abuyog, Leyte. Ginamit sa pag-aaral ang Evaluation Tool for Content, Language, Layout and Design for DepEd-developed Alternative Delivery Modality Learning Resources ng Kagawaran ng Edukasyon. Limang (5) eksperto ang pinili bilang kalahok ng pag-aaral gamit ang purposive sampling technique. Kuwalitatibo ang disenyo ng pag-aaral at naging empirikal na batayan sa pagsuri at interpretasyon ang tugon ng mga eksperto. Naging batayan ang mga tiyak na rekomendasyon sa isinagawang ebalwasyon para sa pagpapaunlad ng kagamitan. Napatunayan sa pag-aaral na complied with minor revision ang kabuoang tugon ng mga eksperto matapos maebalweyt ang nilalaman, layout at disenyo ng mga sanayang gawain. Natuklasan din ang mga isyu sa redundancies, spelling and punctation, capitalization, hyphenation at spacing matapos ang ebalwasyon sa wika. Walang nakitang paglabag sa mga alituntuning koreksyunal sa mga sanayang gawain subalit nangangailangan ng rebisyon ang nilalaman sa bahagi ng bibliography ganoon din sa front matter pages, backmatter pages, at harmonious blending of texts and images tungo sa mas maayos na layout at disenyo. Napag-alaman din na hindi gumamit ang guro ng mga sensitibong salita, gawain, o disenyo sa mga sanayang gawain na makapagdudulot ng distress sa mga mag-aaral na PDL kaya inirekomendang gamitin ito ng mga guro na nagtuturo sa kulungan.

Keywords: ebalwasyon, Filipino, sanayang Gawain, pinagyamang kagamitan, Persons Deprived of Liberty

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2023.43

Cite this article:
Ondras, L., & Ariaso, R. (2023). Ebalwasyon sa sanayang gawain sa Filipino: Pinagyamang kagamitan para sa Persons Deprived of Liberty (PDL). International Journal of Research Studies in Education, 12(6), 123-136. https://doi.org/10.5861/ijrse.2023.43

* Corresponding Authors