2026 IJRSE – Volume 15 Issue 20
Available Online: 2 October 2026
Author/s:
Gumapac, Zeny
Cebu Technological University-Main Campus, Philippines (gzeny123@gmail.com)
Abstract:
Nilayon ng pag-aaral na ito na masuri ang pagganap ng mga mag-aaral sa paggamit ng graphic organizer bilang estratehikong interbensyon sa paglinang sa analitikal na pag-unawa ng sanaysay sa Filipino 8 sa Sevilla National High School sa taong panuruan 2026-2027, bilang tugon sa napansing kahinaan ng mga mag-aaral sa malalim na pag-unawa, sa kabila ng kanilang kakayahang bumasa. Gumamit ng quasi-experimental one-group pretest-posttest design na nilahukan ng dalawampu’t walong (28) mag-aaral na pinili gamit ang purposive sampling. Sinukat ang antas ng pagkatuto ng mga respondante bago at pagkatapos gamitin ang graphic organizer, ang makabuluhang pagkakaiba ng pauna at panghuling pagganap, at ang saloobin ng mga mag-aaral sa paggamit ng interbensyon, gamit ang test at sarbey kwestyuner. Ipinakita ng mga resulta na ang paunang pagganap ng mga mag-aaral gamit ang tradisyonal na pagtuturo ay nasa Katamtamang Pagkatuto, na umangat sa antas na Patungo sa Pagkatuto matapos gamitin ang graphic organizer. Pinatunayan ng paired-samples t-test na may makabuluhang pagkakaiba sa pauna at panghuling pagganap (p < .001) sa tatlong kompetensing sinuri, dahilan upang tanggihan ang null hypothesis. Nagpakita rin ang mga mag-aaral ng lubos na positibong saloobin sa estratehiya. Batay sa mga natuklasang ito, napatunayang epektibo ang graphic organizer sa paglinang sa analitikal na pag-unawa ng mga mag-aaral, kung kaya’t nararapat itong isaalang-alang bilang mahalagang bahagi ng estratehiya sa pagtuturo ng sanaysay sa Filipino. Iminungkahing gamitin ang nabuong awtput ng pag-aaral na Pinagyamang Hulwarang Aralin bilang gabay ng mga guro sa pagtuturo ng sanaysay.
Keywords: graphic organizer, paglinang, analitikal na pag-unawa, sanaysay, Filipino 8
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26415
Cite this article:
Gumapac, Z. (2026). Paggamit ng Graphic Organizer sa paglinang sa analitikal na pag-unawa ng sanaysay sa Filipino 8. International Journal of Research Studies in Education, 15(20), 215-230. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26415
