2025 IJRSE – Volume 14 Issue 12
Available Online: 3 June 2025
Author/s:
Peñaflor, Jereme B.
Nueva Vizcaya State University, Philippines (jereme.penaflor@deped.gov.ph)
Abstract:
Ang pag-aaral na ito ay may layunin na matukoy ang mga salik na nakaaapekto sa kasanayan sa dagliang pagtatalumpati ng mga piling mag-aaral sa ika-8 baitang ng Bone North Integrated School sa Aritao, Nueva Vizcaya. Ginamit sa pananaliksik ang kwantitibo na ginamitan ng descriptive-correlational na metodolohiya upang sukatin ang lebel ng pagkabalisa sa pakikipagtalastasan, kasanayan sa pag-unawa sa binasa, at kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga respondente. Sinuri rin kung may makabuluhang ugnayan ang mga salik na ito sa kasanayan sa dagliang pagtatalumpati. Ang mga datos ay nalikom sa pamamagitan ng kuwestyoneyr, Phil-IRI, at mga rubrik sa sanaysay at talumpati. Batay sa resulta, natukoy na ang mga nabanggit na salik ay may impluwensya sa kasanayan ng mga mag-aaral sa impromptu speech. Iminumungkahi sa pag-aaral ang pagbuo ng mga interbensyong pedagogikal upang mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pampublikong pagsasalita, gaya ng pagsasanay, paglinang ng tiwala sa sarili, at pagpapabuti ng kasanayang lingguwistiko. Ang pananaliksik na ito ay maaaring magsilbing batayan ng mga guro, tagapamahala ng paaralan, at ng Department of Education sa pagpapaunlad ng mga programang nakatuon sa kasanayang pagsasalita ng mga kabataan.
Keywords: dagliang talumpati, pagkabalisa sa pakikipagtalastasan, pag-unawa sa binasa, pagsulat ng sanaysay, kasanayang pampanitikan, interbensyon sa pagtuturo
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25174
Cite this article:
Peñaflor, J. B. (2025). Mga piling salik at kasanayan sa pagtatalumpati ng mga mag-aaral sa Bone North Integrated School. International Journal of Research Studies in Education, 14(12), 1-19. https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25174
