Parallel achievement division bilang kolaboratibong dulog sa pagtuturo ng akdang pampanitikan at pagpapayaman ng talasalitaan

International Journal of Research Studies in Education
Special Luminary Issue
2024
Volume 13 Issue 15

Available Online:  1 October 2024

Author/s:

Ortiz, Ma. Jeanella L.*
Lalig National High School, Philippines (majeanella.ortiz@deped.gov.ph)

Carada, Imelda G.
Laguna State Polytechnic University-San Pablo City Campus, Philippines (imelda.carada@lspu.edu.ph)

Abstract:

Sa proseso ng kolaboratibong dulog na ginamit, tinutulungan nito ang guro na maipaunawa ang dapat matutuhan ng mga mag-aaral na lilinang sa pagpapayaman ng talasalitaan. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang antas ng pagtanggap sa parallel achievement division bilang kolaboratibong dulog sa pagtuturo ng akdang pampanitikan at malaman ang epekto nito sa pagpapayaman ng talasalitaan na ginamitan ng iba’t ibang proseso tulad ng pamamahala sa silid-aralan, paglalahad ng aralin, pagsasanay, paralelong tagisan, pangkatang pagtuturo, paglalahat at mga pangwakas na gawain. Ang mga tagasagot ay mula sa ikasampung baitang ng Pambansang Mataas na Paaralan sa Quezon na binubuo ng walumpong (80) mag-aaral mula sa ikasampung baitang na nahahati sa kontrolado at eksperimental na grupo. Ginamit ang talatanungan para sa antas ng pagtanggap sa nasabing dulog at mga pagsusulit para sa pauna at panapos na pagsusulit para sa pagpapayaman ng talasalitaan. Natuklasan sa pag-aaral na ito na naging lubos na katanggap-tanggap sa mga mag-aaral ang dulog sa pagtuturo ng akdang pampanitikan at pagpapayaman ng talasallitaan. Matapos itong gamitin ay umabot sa sukat na “Napakahusay” ang deskripsyon sa pagpapayaman ng talasalitaan. Batay sa naging resulta, mas nakatulong ang kolaboratibong dulog sa pagtuturo ng akdang pampanitikan sa pagpapayaman ng talasalitaan kumpara sa paggamit ng guro ng lecture-method para sa mga kontroladong grupo ng tagasagot. Kaya’t iminumungkahi ng mananaliksik na magsagawa ng mas malalim na pag-aaral pa upang pagyamanin ang resulta ng pag-aaral na ito sa iba pang pagkakataon gamit ang teknolohiya upang mapatunayang lubos ang bisa nito sa kasalukuyang panahon.

Keywords: parallel achievement division, kolaboratibong dulog, akdang pampanitikan, pagpapayaman ng talasalitaan

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2024.24823

Cite this article:
Ortiz, M. J. L., & Carada, I. G. (2024). Ang Adivay festival bilang daluyan ng kultura at identidad. International Journal of Research Studies in Education, 13(15), 83-95. https://doi.org/10.5861/ijrse.2024.24823

* Corresponding Author