International Journal of Research Studies in Education
Special Luminary Issue
2024
Volume 13 Issue 15
Available Online: 1 October 2024
Author/s:
Caringal, Myralyn B.*
Atty. Celso M. Reyes Integrated National High School, Philippines (myralyn.caringal@deped.gov.ph)
Carada, Imelda G.
Laguna State Polytechnic University-San Pablo City Campus, Philippines (imelda.carada@lspu.edu.ph)
Abstract:
Isa sa mga kinakaharap na suliraning pang-edukasyon na nararapat na bigyang-pansin ng mga kaguruan ay ang pag-unawa sa pagbasa lalo na sa panahon ng pandemya. Bunsod nito, ang pag-aaral na ito ay may layuning malaman ang epekto ng kontekstuwalisadong palaro bilang estratehiya sa pagtuturo sa antas ng pag-unawa sa pagbasa. Ang mananaliksik ay gumamit ng Descriptive-Experimental na pag-aaral na may 70 tagasagot mula sa Ikasampung Baitang sa isang pambansang mataas na paaralan sa Quezon. Batay sa resulta, nalaman na lubos na tinanggap ng mga mag-aaral ang paggamit sa kontekstuwalisadong palaro bilang estratehiya sa pagtuturo. Sa kabuuan, ipinakita ng mga natuklasan na napakalaki ng makabuluhang pagkakaiba sa antas ng pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral batay sa pag-unawang literal, pag-unawang inferensiyal, malikhaing pagbasa, at kritikal o mapanuring pagbasa bago at pagkatapos na gamitin ang mga kontekstuwalisadong palaro bilang estratehiya sa pagtuturo. Napatunayang malaki ang naitulong ng mga kontekstuwalisadong palaro bilang estratehiya sa pagtuturo sa antas ng pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral. Kaya naman lubos na hinihikayat at iminumungkahi ng mananaliksik na magsagawa ng mas malalim at mas malawak pang pag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya upang pag-ibayuhin at suportahan ang mga resulta ng pag-aaral na ito sa iba pang panahon.
Keywords: kontekstuwalisadong palaro, estratehiya, antas ng pag-unawa sa pagbasa
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2024.24821
Cite this article:
Caringal, M. B., & Carada, I. G. (2024). Kontekstuwalisadong palaro bilang estratehiya sa pagtuturo at antas ng pag-unawa sa pagbasa. International Journal of Research Studies in Education, 13(15), 59-70. https://doi.org/10.5861/ijrse.2024.24821
* Corresponding Author