2025 IJRSE – Volume 14 Issue 12
Available Online: 3 June 2025
Author/s:
Culanag, Estelita P.
Nueva Vizcaya State University, Philippines (estelitapculanag@gmail.com)
Abstract:
Isinagawa ang pananaliksik na ito upang makabuo at maipa-ebalweyt ang isang Istratehikong Interbensyong Materyal (SIM) para sa pagpapahusay ng komprehensyon sa pagbasa ng Noli Me Tangere ng mga mag-aaral sa Grade 9 sa Bambang National High School. Gumamit ang pag-aaral ng kwantitatibong disenyo sa deskriptibong pamamaraan upang matukoy ang antas ng komprehensyon sa pagbasa, makabuo ng nararapat na kagamitang pampagtuturo, at maipa-ebalweyt ito sa mga eksperto. Natuklasan na ang mga mag-aaral ay may panlahat na lebel ng komprehensyon na 59.58, na may pasalitang deskripsyon na “Hindi Nakataugon sa Inaaasahan.” Bilang tugon, binuo ang SIM na sumasaklaw sa mga araling may kaugnayan sa Noli Me Tangere. Sa ebalwasyon ng mga QAME, Department Head, at Grade 9 Filipino Teacher, ang SIM ay nakatanggap ng pasalitang deskripsyong “Napakahusay” batay sa nilalaman, pormat, presentasyon at organisasyon, at katumpakan at napapanahon ng mga impormasyon. Wala ring makabuluhang pagkakaiba sa ebalwasyon ng tatlong pangkat sa salik na pormat. Sa pamamagitan ng puna at mungkahi ng mga tagasuri, nalinang at pinabuti ang SIM. Iminumungkahi ang pagpapatupad ng materyal sa mga klase, paggawa ng karagdagang kagamitan, at pagpapalawak ng ebalwasyon upang masiguro ang bisa nito sa iba’t ibang larangan ng pagtuturo sa Filipino.
Keywords: komprehensyon sa pagbasa, Noli Me Tangere, istratehikong interbensyon, Filipino 9, kagamitang pampagtuturo
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25173
Cite this article:
Culanag, E. P. (2025). Paglinang sa nabuong istratehikong interbensyong materyal sa komprehensiyon sa pagbasa ng Noli Me Tangere. International Journal of Research Studies in Education, 14(12), 21-33. https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25173