Kuwentong-tagumpay ng mga nagsitapos ng MAED-Filipino

2025 IJRSE – Volume 14 Issue 6

Available Online:  10 April 2025

Author/s:

Granadil, Archie*
Sorsogon State University, Philippines (granadilarchie09@gmail.com)

Marbella, Felisa D.
Sorsogon State University, Philippines (felymarbella03@gmail.com)

Abstract:

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang mga kuwento ng tagumpay ng mga nagsipagtapos ng MAED Filipino sa Pampahalaang Pamantasan ng Sorsogon. Gumamit ito ng disenyong kwalitatibo at mga talatanungan at interbyu upang makuha ang datos. Ibinigay ng mga partisipant ang kanilang mga karanasan at tagumpay, na naging inspirasyon sa mga kasalukuyang mag-aaral. Tinalakay ang iba’t ibang aspeto ng mga nagsipagtapos tulad ng edad, kasarian, katayuang sibil, tirahan, trabaho, at estado ng kanilang karera bago at pagkatapos mag-aral ng masteral. Kasama rin sa pagsusuri ang haba ng kanilang karanasan sa pagtuturo, posisyon bago mag-aral ng masteral, at bilang ng taon ng pag-aaral sa masteral. Ang kanilang mga kuwento ay nagsilbing modelo at nakapag-ambag sa pagpapabuti ng larangan ng edukasyon. Mahalaga na patuloy na hikayatin ang mga mag-aaral na kumuha ng MAED Filipino upang mapalawak pa ang kanilang kaalaman at kasanayan. Ang administrasyon, dekano, at mga guro ay may mahalagang papel sa paggabay at paghikayat sa mga mag-aaral na tapusin ang kanilang pag-aaral. Dapat ding hikayatin ang mga nagtapos na dumalo sa mga seminar at pagsasanay upang mas mapaunlad ang kanilang kakayahan. Gayundin, inirerekomenda ang pag-aaral sa post-graduate o PhD upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman at magpatuloy sa mga pag-aaral tungkol sa kalagayan ng mga nagtapos sa iba’t ibang kurso.

Keywords: kuwentong-tagumpay, nagsipagtapos, MAED Filipino, propayl

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25050

Cite this article:
Granadil, A., & Marbella, F. D. (2025). Kuwentong-tagumpay ng mga nagsitapos ng MAED-Filipino. International Journal of Research Studies in Education, 14(6), 225-234. https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25050

* Corresponding Author