Mga lihim na kaalaman sa mga kwentong bayan ng Palompon

2025 IJRSE – Volume 14 Issue 6

Available Online:  1 March 2025

Author/s:

Viacrucis, Ferdelyn
Palompon Institute of Technology, Philippines (Ferdelyn.Viacrucis@pit.edu.ph)

Abstract:

Ang pananaliksik na ito ay ang mailahad at maisulat ang mga Lihim na Kaalaman sa mga Kwentong Bayan ng Palompon at malaman ang implikasyon at makabuo ng isang monograph ng mga lihim na kaalaman sa mga kwentong bayan ng Palompon. Ginamitan ito ng paraang deskriptibo-kwaliteytibo ang mga nakalap na datos ay nagmula sa sagot na ibinigay ng mga kalahok. Natuklasan na mayroon itong walong kwento ito ang Sa Puno ng Sambulawan, Ang Puno ng Mangga, Ang White Lady, Ang Kababalaghang Karamdaman, Ang Misteryosong Kalsada ng Dunggo-an, Kurbada, Ang Puno ng Naga, at ang Nuno sa Punso. Ang implikasyon na matutukoy sa lahat ng kwentong bayan na nailahad ay nagiging salamin sa pagrespeto at pagkilala sa lahat ng tao sa mundong ibabaw nakikita man ito o hindi at pagkapit ng husto sa Dakilang lumikha. Batay sa kongklusiyon ng isinagawang pag-aaral ay mabisang gamitin bilang kagamitang panglokal sa pagtuturo ng panitikan upang maibahagi sa kamalayan at mapahalagahan ng mga estudyante ang mga naisulat nito.

Keywords: kwentong bayan, implikasyon, monograp

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25014

Cite this article:
Viacrucis, F. (2025). Mga lihim na kaalaman sa mga kwentong bayan ng Palompon. International Journal of Research Studies in Education, 14(6), 13-24. https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25014