Istratehiya sa pagtuturo ng Noli Me Tangere sa bagong kadawyan

International Journal of Research Studies in Education
Special Luminary Issue
2024
Volume 13 Issue 15

Available Online:  1 October 2024

Author/s:

Sandot, Xevier P.*
Sacred Heart School – Ateneo de Cebu, Philippines (xevier.sandot@shs-adc.edu.ph)

Bacalla, Lita
Cebu Normal University, Philippines (bacallal@cnu.edu.ph)

Abstract:

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ng mananaliksik ang mga istratehiyang epektibong gagamitin sa synchronous at asynchronous na modaliti. Sa pag-aaral na ito, mayroong walong istratehiyang ginamit sa synchronous at asynchronous na modaliti. Napag-alaman sa pag-aaral na ito na walang makabuluhang ugnayan ang istratehiya at markang nakuha sa synchronous at asynchronous na modaliti gamit ang pearson correlation coefficient ngunit natuklasan mula sa sagot sa talatanungan na nakatutulong ang mga istratehiya sa pagkatuto ng mga estudyante sa kanilang paksa. Gamit ang likert scale at talatanungan, natukoy rin ang epektibong istratehiyang gagamitin at hindi gaanong epektibong istratehiyang gagamitin sa synchronous at asynchronous na modaliti. Mula sa pag-aaral, natuklasan din na mas nagugustuhan ng mga estudyante ang synchronous na modaliti kumpara sa asynchronous. Mula sa mga natuklasan, nakabuo ng isang kompilasyon ng mga istratehiyang gagamitin sa synchronous at asynchronous na modaliti. Napatunayan na posible ang pagkatuto ng mga estudyante gamit ang teknolohiya. Mahalaga ang ginagampanang papel ng mga istratehiya bilang scaffolding o gabay upang mas maging ganap ang pagkatuto ng mga estudyante sa birtwal na silid-aralan gamit ang teknolohiya. Bagaman hindi nagkaroon ng makabuluhang ugnayan ang istratehiya at marka sa mga gawain sa dalawang modaliti, mahalagang isipin na hindi lamang ang marka ang tanging sukatan sa pagkatuto nila. Napatunayan mula sa mga sagot na isang malaking tulong ang wastong pagpili ng istratehiya. Mahalagang magkaroon ng sapat na kaalaman sa istratehiyng gagamitin sa klase at piliin nang maayos kung alin sa mga ito ang talagang makatutulong sa kanila.

Keywords: asynchronous, istratehiya, Noli Me Tangere, synchronous, pagkatuto

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2024.24815

Cite this article:
Sandot, X. P., & Bacalla, L. (2024). Istratehiya sa pagtuturo ng Noli Me Tangere sa bagong kadawyan. International Journal of Research Studies in Education, 13(15), 1-15. https://doi.org/10.5861/ijrse.2024.24815

* Corresponding Author