Pedahgohikal at kultural na implikasyon ng mga kuwento ni Señior San Roque

2024 IJRSE – Volume 13 Issue 1

Available Online:  2 March 2024

Author/s:

Deyto, Nilda*
Sorsogon State University, Philippines (deytonilda@gmail.com)

Marbella, Felisa
Sorsogon State University, Philippines (felymarbella03@gmail.com)

Abstract:

Sinuri sa pag-aaral na ito ang kultural at pedagohikal na implikasyon ng mga kuwento ni Señor San Roque. Nagsagawa ng cultural mapping para matukoy ang mga lugar na mayroong patron ni Señor San Roque sa lalawigan ng Sorsogon. Purposive sampling ang ginamit sa pagpili ng mga kalahok mula sa iba’t ibang barangay ng San Roque sa apat (4) na barangay. Historikal dokumentari-analisis ang ginamit na disenyo sa paglikom ng mga datos sa pag-aaral na ito. Pakikipanayam at focus group discussion naman ang ginamit para makuha ang mga datos na kailangan sa pag-aaral. Ang mga nakalap na datos ay sinuri at binigyang interpretasyon gamit ang tematikong analisis. Natuklasan na ang mga barangay na mayroong patron ni Señor San Roque sa lalawigan ng Sorsogon ay ang bayan ng Bulusan, Castilla, Sta. Magdalena at Bacon sa lungsod ng Sorsogon. Ang mga barangay na ito ay may kanya-kanyang kasaysayan at kuwento tungkol sa kanilang patron na si San Roque. Ang mga kuwento at karanasan ng paghihimala ni Señor San Roque ay inuri batay sa pasasalamat, pag-asa at pananalig. Ang implikasyon na nabuo batay sa kultural ay ang sumusunod tulad ng paniniwala na gagaling anumang karamdaman, tradisyunal na pamamaraan sa pagsamba, pagpapahalaga at pagmamahal sa pamilya, pagkakaroon ng pag-asa at pananalig sa katutubong paggagamot. Ang implikasyon naman na nabuo batay sa pedagohikal ay ang sumusunod katulad ng mga kuwento at karanasan bilang lunsaran sa pagtuturo ng panitikan at wika, katutubong kaalaman at kaugalian bilang paksa sa pananaliksik at integrasyon ng kultura at katutubong kaalaman sa pagtuturo. Naging rekomendasyon na gawing hanguan ng istratehiya ang mga kuwento at karanasan ng mga deboto sa pagtuturo ng wika at panitikan. Bigyang pansin at pahalagahan ang sariling kultura lalo na ang kaganapang pangkomunidad upang ito ay maiugnay sa pagtuturo sa paaralan. Maging malikhain ang guro sa paggamit ng katutubong kaalaman bilang integrasyon sa pagtuturo.

Keywords: implikasyon, kultural, kuwento, Señor San Roque, pedagohikal

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2024.24006

Cite this article:
Deyto, N., & Marbella, F. (2024). Pedahgohikal at kultural na implikasyon ng mga kuwento ni Señior San Roque. International Journal of Research Studies in Education, 13(1), 67-81. https://doi.org/10.5861/ijrse.2024.24006

* Corresponding Author