Pagsusuri sa kahusayan at kabisaan ng likhang- modyul

2021 IJRSE – Volume 10 Issue 4
Special Issue on Filipino Research Papers

Available Online: 10 June 2021

Author/s:

Oclinaria, Avelina*
Visayas State University, Philippines (Aoclinaria92@gmail.com)

Abstract:

Hinahangad sa pag-aaral na ito na masuri ang kaangkupang pangnilalaman sa nilikhang modyul na nagtataglay ng gabay para sa estudyante at guro na may katiyakang magbibigay ng karagdagang pagkatuto. Ang likhang-modyul na tinataya ay isa sa asignaturang Filipino para sa Baitang 11. Kakikitaan ito ng anim na bahagi: Paksa, Tiyak na Layunin, Pangganyak, Talakayan, Malikhaing Gawain at Ebalwasyon. Nakapaloob dito ang mga aralin tungkol sa linggwistika at pananaliksik na naaayon sa balangkas ng ika-21 siglong kasanayan para sa makabagong mag-aaral. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga mananaliksik upang magkaroon ng saligan para sa mas malawak pang pag-aaral sa pagbuo ng mabisang modyul na magagamit sa pagtuturo ng Filipino na naaangkop sa kasalukuyang kalakaran ng edukasyon sa bansa. Ang kaangkupang pangnilalaman ay tinataya ng mga estudyante batay sa kaalamang linggwistika, kaalamang pananaliksik, gawain at ebalwasyon. Ginagamit ang talatanungan sa pagtataya sa kaangkupang pangnilalaman ng likhang-modyul na nagpapakita ng mga bahaging sinusuri batay sa angkop na katangian ng isang mahusay na kagamitang pampagtuturo. Ginamit ang assessment scale upang matugunan ang kaangkupang pangnilalaman ng likhang-modyul. Batay sa kinalalabasan ng pagtataya ng mga estudyante napatutunayan na ang kaangkupang pangnilalaman ng likhang-modyul ay angkop na angkop. Sa naging resulta ng pidbak ng mga estudyante, naipakita ng likhang-modyul ang kalinawan, kawastuan, kaangkupan at kawilihan sa nilalaman at kasanayang dapat matututunan ng mga estudyante. Napansin din ang mga kinakailangan ng modyul para sa kahusayan nito tungo sa pagpapayaman ng likhang-modyul.

Keywords: likhang-modyul; kaangkupang pangnilalaman; kawilihan; kabisaan; kahusayan

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2021.634

Cite this article:
Oclinaria, A. (2021). Pagsusuri sa kahusayan at kabisaan ng likhang- modyul. International Journal of Research Studies in Education, 10(4), 121-127. https://doi.org/10.5861/ijrse.2021.634

*Corresponding Author