Pagdanhay at pagtunghay ng mga naratibong danas dulot ng COVID-19 sa Lipunang Pilipino: Ang bagong kahimtang

2020 IJRSE – Volume 9 Issue 8
Special Luminary Issue on Filipino Research Papers

Available Online: 5 November 2020

Author/s:

Lagunsad, Rusell Irene L.*
Notre Dame of Greater Manila, Philippines (lagunsadrusellirene@gmail.com)

Abstract:

Dulot ng nangyaring pandemiko na nangyari sa buong mundo, ang lipunang Pilipino ay nagkaroon ng malaking pagbabago. Naging kumplikado ang estado ng buhay ng maraming Pilipino. Ito na ngayon ang tinatawag ng marami na “bagong normal” o “bagong kahimtang” sa wikang Hiligaynon. Layon ng pananaliksik na mula sa mga ibinahaging iba’t ibang kuwento ng karanasan ng mga kinapanayam ay makabuo ng danhay ng mga naratibo hinggil sa naging dulot ng pandemiko sa tao at bansa. Mula roon ay sinipat ang mga kalagayang ito, sinuri at dinalumat ng mananaliksik ang mga biglaang pagbabagong dinanas ng lipunan tungo sa transisyong dihital. Inilapat ang Sikolohiyang Pilipino ni Virgilio Enriquez sa pagbuo ng papel. Ito ang sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyong Pilipino. Ito ang mga metodo na ginamit para sa pagtatarok ng diwa ng mga kalahok.         Lumitaw na sa bagong kahimtang ng lipunan, napakalaking gampanin ng internet world sa pamumuhay ng mga Pilipino. Sa panahong lahat ay nasa bahay na lamang, halos lahat ay nakatutok sa kanilang mga social media accounts upang pagkunan ng napapanahong impormasyon. Ang magastos at masakripisyong paraan ng pag-ani ng sertipiko ng mga guro para sa kanilang promotional rankings at self- development ay naging libre nalang. Sa isang iglap ay biglang nag-iba ang meeting rooms para sa mga pagpupulong hindi na isang silid, hindi na rin function hall para sa mga seminars o silid-aralan para sa pagtuturo at hindi lamang distansiya ng tao sa tao ang naganap, kundi maging ang distansya ng tao sa kaniyang pangangailangan upang mabuhay.

Keywords: Lipunang Pilipino; bagong kahimtang; manggagawang Pilipino; danas; panayam; social media

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2020.5905

Cite this article:
Lagunsad, R. I. L. (2020). Pagdanhay at pagtunghay ng mga naratibong danas dulot ng COVID-19 sa Lipunang Pilipino: Ang bagong kahimtang. International Journal of Research Studies in Education, 9(8), 35-44. https://doi.org/10.5861/ijrse.2020.5905

*Corresponding Author