2019 IJRSE – Volume 8 Issue 4
Lumina Foundation Special Issue
Available Online: 2 July 2019
Author/s:
Bacalla, Lita*
Cebu Normal University, Philippines (lolita_bacalla@yahoo.com.ph)
Abstract:
Ang wika ay may kanya- kanyang kakanyahan. Layunin ng pag-aaral na matulungan ang mga Cebuano at Tagalog na maipabatid ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga panlapi sa Wikang Tagalog at Wikang Sinugbuanong Binisaya. 1) Masuri ang Wikang Tagalog at Wikang Sinugbuanong Binisaya sa morpemang ginagamit. 2) Matukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba morpema ng salitang ugat. 3) Masuri ang pagkakatulad at pagkakaiba sa paglalapi at pagkakabit ng mga panlapi sa morpema. Gamit ang Kwalitatibong paraan ng pag-aaral. Deskriptibong paglalarawan ng dalawang wika. Batay sa ginagawang pagsusuri natuklasan na magkakahawig ang Wikang Tagalog at Wikang Sinugbuanong Binisaya sa mga morpemang ginagamit. Halos magkakatulad ang tuntunin sa pagkabit ng panlapi sa salitang ugat. May pagkakaiba ang dalawang wika sa termino na ginagamit. Ang morpemang makangalan at makauri ay maraming pagkakatulad samantala ang morpemang makadiwa ay magpapakaiba ng mga termino pati kung paano ito mabubuo at ang kahulugan. Hindi magkalayo ang dalawang wika kung ang pag-uuri ng morpemang salitang ugat, morpemang makangalan, morpemang makauri at morpemang makadiwa. Batay sa natuklasan, ang panlaping [a] ay panlapi na ginagamit sa wikang SB na magagamit sa tatlo sa makangalan, makauri at makadiwa na wala sa wikang Tagalog. Mas maraming panlapi ang Wikang Sinugbuanong Binisaya kaysa Wikang Tagalog ngunit kapwa magkahawatig ang dalawang wika.
Keywords: morpema; panlapi; salitang ugat; morpo-analisis; pahambing
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2019.4902
Cite this article:
Bacalla, L. (2019). Morpo-analisis ng wikangTagalog at wikang Sugbuanun’g Binisaya: Pahambing na pag-aaral. International Journal of Research Studies in Education, 8(4), 55-65. https://doi.org/10.5861/ijrse.2019.4902
*Corresponding Author