Ang wika sa Pampaaralang Espasyo: Tanawing pangwika sa apat na kampus ng Sorsu

2026 IJRSE – Volume 15 Issue 9

Available Online:  23 April 2026

Author/s:

Mariano, Sharon D.
Sorsogon State University, Philippines (sharondivinamariano@gmail.com)

Abstract:

Natiyak sa pananaliksik na ito na malaman ang tanawing pangwika sa apat na kampus ng Sorsogon State University. Pangunahing datos na ginamit ay ang mga sign na makikita sa loob ng kampus. Ang mga sign na kinuha gamit ang camera ay dinawnlod sa computer at pinanatili ang orihinal na anyo nito. Sinuri at binigyan ng interpretasyon gamit ang frequency count at pagraranggo. Natuklasan na ang mga sign na bumubuo sa tanawing pangwika ay karatula sa kalye, babala, pangalan ng gusali, plakeng panggunita, karatula ng nagbibigay ng impormasyon, at advertising signs. Ang gamit ng wika sa mga tanawing pangwika ay Filipino, Ingles, at iba pang wika sa Pilipinas (wikang rehiyonal). Ang mungkahing gawain upang mapaunlad ang tanawing pangwika gamit ang wikang Filipino ay bigyang-diin sa konteksto ng Pilipinas, ang mga saliksik tungkol sa tanawing pangwika ay hindi lamang dapat magtapos sa paglalarawan ng tanawin kundi ang pagbuo ng mga kautusan o batas para mabago ang paggamit ng wika. Inirerekomendana hikayatin ang mga namumuno mula sa pinakamataas na gamitin ang kontekstong wikang Filipino sa pagbuo ng mga tanawing pangwika bilang wikang komunikasyon. Pasiglahin ang pag-ambag ng mga wikang rehiyonal sa pagbuo ng mga sign sa pampaaralang espasyo at maging sa pampublikong espasyo.

Keywords: tanawing pangwika, wika, wikang rehiyonal, sign

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26126

Cite this article:
Mariano, S. D. (2026). Ang wika sa Pampaaralang Espasyo: Tanawing pangwika sa apat na kampus ng Sorsu. International Journal of Research Studies in Education, 15(9), 9-18. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26126