2026 IJRSE – Volume 15 Issue 9
Available Online: 23 April 2026
Author/s:
Mariano, Sharon D.
Sorsogon State University, Philippines (sharondivinamariano@gmail.com)
Abstract:
Ang Pili Festival ang pangunahing festival sa Sorsogon na itinatampok ang puno ng likas na tumutubo sa Sorsogon at naglalayong maipakita ang katangian, kahalagahan at produksyon ng pili. Ang layunin ng saliksik na ito ay malaman ang kaugnayan ng wika, kultura at identidad ng Sorsogueño sa pagdiriwang ng Pili Festival. 1. Malaman ang ipinapakitang wika: a. produkto b. kasuotan at kagamitan c. kulay d. sayaw, 2. Masuri ang mga kulturang isinasabuhay sa pagdiriwang ng Pili Festival. 3. Matukoy ang identidad ng mga Sorsogueño sa pagpapahalaga ng produktong pili. 4. Makapagmungkahi ng gawaing magpapaunlad sa produkto, kultura at turismo sa pamamagitan ng Pili Festival. Dokumentaryong pananaliksik ito, ang mga datos ay mula sa dokumentaryong bidyu at larawan, pakikipanayam sa mga tagapamahala, mga kalahok at mga manonood ng festival, at aktuwal na panoood ng mananaliksik. Sinuri sa pamamagitan ang mga pahayag at larawang nagpapahiwatig ng kultura at identidad ng Sorsogueño.Lumabas sa resulta na ang wika ng produkto, kasuotan at kagamitan, kulay ng damit at ang sayaw ay umaayon sa katangian ng pili. Nagsisilbing lundayan ng pagkakakilanlan ng isang Sorsogueño ay matiyaga,malikhain at mapagpasalamat.
Keywords: Pili festival, wika, kultura, identidad, Sorsogueño
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26125
Cite this article:
Mariano, S. D. (2026). Pili festival: Wika, kultura at identidad ng Sorsogueno. International Journal of Research Studies in Education, 15(9), 1-8. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26125
