Facebook: Daluyan sa paglalathala ng awtput sa asignaturang Filipino

2026 IJRSE – Volume 15 Issue 8

Available Online:  10 April 2026

Author/s:

Grefalda, Ariane Fe Sambajon*
Sorsogon State University, Philippines (yanah835@gmail.com)

Marbella, Felisa D.
Sorsogon State University, Philippines (felisa.marbella@sorsu.edu.ph)

Abstract:

Natiyak sa pag-aaral na ito ang mga mga nailathala na mga awtput sa Filipino gamit ang facebook. Natukoy rin ang mga positibo at negatibong naidulot ng paglalathala ng mga awtput sa facebook. Deskriptiv-kwalitatib na disenyo ang ginamit sa pag-aaral na ito. Purposive sampling ang ginamit ng mananaliksik sa pagpili ng mga impormante sa apat (4) na paaralang natukoy mula sa iba’t ibang kategorya. Nagsagawa ang mananaliksik ng pakikipagpanayam sa 20 mag-aaral at 12 guro mula sa nabanggit na mga paaralan sa Probinsiya ng Sorsogon. Gumamit ng Thematic Analysis ang mananaliksik upang matukoy ang mga mag kakaparehas na tema ng mga kasagutan mula sa mga taong kinapanayam. Natuklasan sa pag-aaral na ito na may mga mag-aaral at guro ang gumagamit ng facebook sa pagpapakilala ng kanilang awtput. Sa pag-aaral na ito, inisa-isa ang mga epekto ng paglalathala ng awtput sa asignaturang Filipino gamit ang facebook. Natuklasan sa pag-aaral na ito na mayroong iba’t ibang epekto ang paglalathala ng awtput sa Filipino sa mga mag-aaral at guro. Nakabuo ang mananaliksik ng gabay sa paggamit ng social media, ito ay isang manwal na nagpapakita ng mga paraan ng pag-upload sa iba’t ibang plataporma. Nakapaloob din dito ang mga mahahalagang paalala sa paggamit ng social media bilang daluyan sa pagpapakilala ng mga awtput sa asignaturang Filipino.

Keywords: awtput, epekto, daluyan sa paglalathala, facebook

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26043

Cite this article:
Grefalda, A. F. S., & Marbella, F. D. (2026). Facebook: Daluyan sa paglalathala ng awtput sa asignaturang Filipino. International Journal of Research Studies in Education, 15(8), 179-199. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26043

* Corresponding Author