2026 IJRSE – Volume 15 Issue 5
Available Online: 12 March 2026
Author/s:
Pablico, Perfecto Jr.
Department of Education, Philippines (perfecto.pablico@deped.gov.ph)
Abstract:
Layunin ng pananaliksik na bumuo ng workteks sa pagtuturo ng El Filibusterismo sa mga mag-aaral na nasa ika-sampung baitang. Naging batayan sa mga bahagi ng workteks ang 4C’s ng ika-21 siglo at ang pamamaraan nito ay nakabase rin dito kung saan nabuo sa pamamagitan ng limang bahagi; Paggalugad, Paglalahad, Pagsasanay, Paglalapat at Pagtataya. Research and Development ang ginamit sa pag-aaral at ang worteks ay ipinabalideyt sa tatlong mga guro na eksperto sa larangan ng pagtuturo sa wika at panitikang Pilipino. Ginamit ang instrumentong tseklist na hinango mula sa naunang pag-aaral na kawangis ng isinasagawang pananaliksik. Tinataya ng instrumento ang apat na kraytirya sa pagbuo ng isang kagamitang panturo: a. Nilalaman, b. Gawain at Pagsasanay, c. Katangian, at d. Layunin. Pinaebalweyt ang workteks sa tatlong ebalweytor na eksperto sa pagtuturo ng Filipino. Lumabas sa pag-aaral na ang binuong Workteks ay sumunod sa proseso ng paghahanda at pagdebelop ng isang workteks. Ang nilalaman, gawain at pagsasanay, katangian at layunin ay mabisa, angkop at nakatutugon sa kakayahan ng mga mag-aaral at pamantayang itinakda. Batay sa resulta ng mga datos sa pananaliksik, ito ang mga mungkahing nabuo: Gamitin ang workteks na ito bilang suplemental na kagamitan para sa Grade 10, ipasubok ang workteks. Ang resulta nito ay hulwaran sa pagbuo ng ibang kagamitang makatutulong sa proseso ng pagkatuto, pagdebelop ng ibang suplemental na kagamitan sa mga obra maestra sa panitikang filipino, himukin ang mga gurong dumalo sa mga seminar-worksyap upang lumawak ang kanilang kabatiran sa paghahanda ng kagamitang panturo.
Keywords: simbayotiko, workteks, 4C’s, 5P’s, MELC
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26104
Cite this article:
Pablico, P. J. (2026). Simbayotikong workteks sa pagtuturo ng El Filibusterismo. International Journal of Research Studies in Education, 15(5), 181-187. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26104
