Estratehiyang self-questioning sa maunawang pagbasa sa Filipino 9

2026 IJRSE – Volume 15 Issue 1

Available Online:  23 January 2026

Author/s:

Igot, April Rose I.
Bankal National High School, Philippines (aprilrose.inting@gmail.com)

Abstract:

Ang mabisang pag-unawa sa pagbasa ay kinikilalang isa sa mga mahalagang salik na nagpapakita ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Nilayon ng pag-aaral na ito na matasa ang kabisaan ng estratehiyang self-questioning sa kasanayan ng mga mag-aaral sa maunawang pagbasa ng maikling kuwento sa Filipino 9 sa Bankal National High School, lungsod ng Lapu-Lapu sa taong panuruan 2025-2026 bilang gabay sa pagbuo ng pinagyamang banghay-aralin bilang awtput ng pag-aaral. Ang mananaliksik ay gumamit ng kwantitatibong paraan ng pananaliksik sa pamamagitan ng paggamit ng pauna at panghuling pagganap. Bukod pa rito,  ang pag-aaral na ito ay may 41 na kalahok na pinili gamit ang purposive sampling na pamamaraan. Mula sa resulta ng nakalap na datos, isinasaad sa pag-aaral na ang paggamit ng estratehiyang self-questioning na pamamaraan sa pagtuturo ay nagdudulot ng makabuluhang epekto sa performans ng mga mag-aaral sa maunawang pagbasa mula sa paunang pagganap hanggang sa panghuling pagganap na ibinigay ng guro. May makabuluhan at positibong kakayahan ang mga mag-aaral sa maunawang pagbasa, interes at retensyon sa pagkatuto ng maikling kuwento. Bukod pa nito, gamit ang estratehiyang ito ang mga mag-aaral ay madalas nagpapahiwatig ng interes sa pag-aaral.  Batay sa resulta, ang estratehiyang self-questioning ay isang epektibong kasangkapan upang umunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral sa maunawang pagbasa ng maikling kuwento sa Filipino 9. Ang estratehiyang ito ay makatutulong upang mapaunlad ang kakayahan at mapataas ang maunawang pagbasa ng mga mag-aaral sa iba’t ibang asignatura at nabibiyang-diin ng guro ang mabisang paggamit ng estratehiyang ito sa klase. Upang mapalawak pa ang paggamit ng estratehiyang self-questioning, iminumungkahi ng mananaliksik ang paggamit ng pinagyamang banghay aralin upang mapaunlad  pa ang kaalaman ng guro sa makabuluhang paggamit ng estratehiyang ito sa pagtuturo.

Keywords: estratehiya, self-questioning, maunawa, pagbasa, Filipino 9

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26009

Cite this article:
Igot, A. R I. (2026). Estratehiyang self-questioning sa maunawang pagbasa sa Filipino 9. International Journal of Research Studies in Education, 15(1), 237-248. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26009