WIKApedia sa pagtuturo ng wastong gamit ng mga salita sa Filipino

2026 IJRSE – Volume 15 Issue 1

Available Online:  10 January 2026

Author/s:

Dapyawin, Geraldine Mae
Sorsogon State University, Philippines (geraldinemae.dapyawin@deped.gov.ph)

Ebuenga, Kiven Louis
Sorsogon State University, Philippines (ebuengakivenlouis@gmail.com)

Marbella, Felisa D.*
Sorsogon State University, Philippines (felisa.marbella@sorsu.edu.ph)

Abstract:

Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang bisa ng WIKApedia bilang pantulong sa pagtuturo ng wastong paggamit ng salita sa Filipino sa mga mag-aaral ng Baitang 10 sa Barcelona National Comprehensive High School. Gumamit ng quasi-experimental design na may pauna at panapos na pagsusulit at deskriptibong pagsusuri sa persepsyon. Ang 35 mag-aaral ay pinili gamit ang purposive sampling. Ang mga instrumento ay pagsusulit na may 20 aytem at talatanungan na sumusukat sa limang aspekto: nakakatulong sa pagkatuto, madaling gamitin, interaktibo at nakaka-engganyo, nagpapalawak ng kaalaman, at mabilisang pagsusuri. Ipinakita ng resulta na bago ang interbensyon, karamihan ay may mababa hanggang katamtamang kasanayan sa paggamit ng salita. Matapos ang interbensyon, 77% ng mga mag-aaral ay umabot sa napakataas na antas ng kasanayan, at 23% ay nasa mataas na antas. Ang paired t-test ay nagpakita ng makabuluhang pagkakaiba sa kasanayan bago at pagkatapos gamitin ang WIKApedia (t = 30.3, p < .001), at ang Cohen’s d = 5.12 ay nagpapakita ng napakalaking effect size. Ipinapakita rin ng mean na 4.25 sa persepsyon ng mga mag-aaral na lubos nilang sinasang-ayunan ang bisa ng WIKApedia sa pagpapalawak ng kaalaman, paglinang ng kasanayan, at pagpapataas ng interes sa pag-aaral. Pinatutunayan ng pag-aaral na ang WIKApedia ay epektibong digital na interbensyon sa pagtuturo ng wastong paggamit ng salita sa Filipino. Inirerekomenda ang integrasyon nito sa pagtuturo at paggamit ng makabagong digital na estratehiya upang higit pang mapaunlad ang kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral sa wika.

Keywords: WIKApedia, wastong paggamit ng salita, wikang Filipino, digital, interbensyon, kasanayan sa wika

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26007

Cite this article:
Dapyawin, G. M., Ebuenga, K. L., & Marbella, F. D. (2026). WIKApedia sa pagtuturo ng wastong gamit ng mga salita sa Filipino. International Journal of Research Studies in Education, 15(1), 123-135. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26007

* Corresponding Author