Paggalugad sa pangangailangan ng mga guro sa Filipino sa pagbuo ng epektibong instructional materials

2026 IJRSE – Volume 15 Issue 14

Available Online:  9 June 2026

Author/s:

Noval, Arnel T.*
Cebu Technological University – Main Campus, Philippines (arnelnoval663@gmail.com)

Escalera, May Valerie T.
Cebu Technological University – Main Campus, Philippines (valeriemay.escalera@ctu.edu.ph)

Plasencia, Norly R.
Cebu Technological University – Main Campus, Philippines (norlyplasencia29@gmail.com)

Villarin, Imelda J.
Cebu Technological University – Main Campus, Philippines (imelda.villarin@ctu.edu.ph)

Zamora, Nemia F.
Cebu Technological University – Main Campus, Philippines (nemiazamora65@gmail.com)

Abstract:

Nilayon ng pag-aaral na ito na masuri ang kasanayan, kaalaman, at tunay na pangangailangan ng mga guro sa Filipino sa pagbuo ng epektibong instructional materials (IM) o kagamitang pampagtuturo. Ginamit sa pananaliksik ang disenyong survey research na pinalaganap sa pamamagitan ng Google Forms upang makalikom ng datos. Sa pamamagitan ng purposive sampling, pinili ang apatnapu’t walong (48) gurong nagtuturo ng Filipino na may hindi kukulangin sa isang taong karanasan sa pagtuturo upang magsilbing mga kalahok. Ginamit ang isang balidong sarbey-kwestyuner na nahahati sa apat na bahagi upang siyasatin ang kanilang kahandaan, mga suliranin, pamamaraang ginamit, at mga mungkahi sa pagpapalakas ng kapasidad. Ipinakita ng mga resulta na mataas ang kahandaan ng mga guro sa integrasyon ng mga ICT tools (83.3%) at paggamit ng mga layunin ng leksyon (79.2%) bilang gabay sa pagbuo ng IM. Gayunpaman, nakaranas sila ng matinding hamon sa kakulangan ng oras (77.1%) at limitadong availability ng mga artikulo o aklat na nakasulat sa wikang Filipino (77.1%). Upang matugunan ito, ang pangunahing hakbang na isinagawa ng mga kalahok ay ang masusing pagtukoy sa ugat ng hamon (81.3%) at ang personal na paglalaan ng tiyak na iskedyul (75.0%). Natuklasan din na may puwang pa sa mga teknikal na aspeto gaya ng teorya ng cognitive load (50.0%) at kultura ng peer-review (54.2%). Batay sa konklusyon, mapamaraan ang mga guro sa pag-angkop ng teknolohiya, ngunit ang kalidad ng IM ay nalilimitahan ng mga pasaning logistikal tulad ng mabigat na gawaing pang-guro. Mula rito, inirerekomenda ng pag-aaral na magkaloob ang pamunuan ng paaralan ng time allowance o release time (75.0%) at magdaos ng mga pormal na propesyonal na pagsasanay na nakatutok sa mga makabagong educational technology platforms (85.4%) upang mapalakas ang kapasidad ng mga guro nang hindi naisasakripisyo ang kanilang kapakanan.

Keywords: instructional materials, guro sa Filipino, ICT tools, mga hamon, pagpapalakas ng kapasidad

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26251

Cite this article:
Noval, A. T., Escalera, M. V. T., Plasencia, N. R., Villarin, I. J., & Zamora, N. F. (2026). Paggalugad sa pangangailangan ng mga guro sa Filipino sa pagbuo ng epektibong instructional materials. International Journal of Research Studies in Education, 15(14), 125-134. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26251

* Corresponding Author