Rawitdawit sa literaturang Sorsoganon

International Journal of Research Studies in Education
Special Luminary Issue
2025
Volume 14 Issue 5

Available Online:  20 February 2025

Author/s:

Endraca, Gigi G.
Sorsogon State University, Philippines (gigi.endraca002@deped.gov.ph)

Marbella, Felisa D.*
Sorsogon State University, Philippines (felymarbella03@gmail.com)

Abstract:

Natiyak sa pag-aaral na ito na malaman at masuri ang mga rawitdawit sa literaturang Sorsoganon. Kwalitatib-analisis na disenyo ang ginamit sa pag-aaral. Purposive sampling ang ginamit sa pagpili ng 16 na impormanteng manunulat mula sa iba’t ibang bayan sa Sorsogon. Ang mga impormanteng ito ay may mga naisulat na akda na hindi pa nailalathala sa anumang mga aklat, lokal man o nasyonal. Nagsagawa ng interbyu para malikom ang mga datos na kinailangan. Isinagawa ang kontent-analisis sa mga rawitdwit na nakuha at binigyan ito ng interpretasyon. Natuklasan na ang mga katangian ng rawitdawit sa kakanyahan ay pasuysoy na nagkakaroon ng kakalasan o kalutasan ang suliranin sa panghuling taludtod. Iba-iba ang mga pinanggalingan ng mga rawitdawit, mula sa bayan ng Bulusan, Castilla, Donsol, Gubat, Juban, at Magallanes. Ang talinghaga ang pinaka-esensiyal na elemento ng tula sapagkat ito ay nagbibigay ng kulay at damdamin sa tula, nagbibigay ng lihim at ganda sa mga salita, at naglalagay ng layer ng kahulugan na hindi basta-basta nauunawaan sa unang tingin. Ang estilo ng isang makata sa kaniyang akda ay batay sa mga salitang ginamit. Kinakasangkapan ng makata sa wastong pagkakataon ang sari-saring tayutay at laro sa salita upang lumikha ng akda na magdudulot ng matinding takot, galit, lungkot, o kaya ay galak sa mambabasa. Ang mga paksain ng rawitdawit sa mga bayan ng Sorsogon ay tumatalakay sa buhay, kapaligiran, paghihirap, pag-ibig, pasasalamat, kabiguan, at romansa.

Keywords: rawitdawit, katangian, kakanyahan, estilo, elemento, pinagmulan, paksain

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25852

Cite this article:
Endraca, G. G., & Marbella, F. D. (2025). Rawitdawit sa literaturang Sorsoganon International Journal of Research Studies in Education, 14(5), 141-154. https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25852

* Corresponding Author