Register ng Wikang de Bangka sa mga piling lungsod ng Zamboanga del Norte: Isang kalipunan

International Journal of Research Studies in Education
Special Luminary Issue
2025
Volume 14 Issue 5

Available Online:  20 February 2025

Author/s:

Gerudias, Jayson Romano
Jose Rizal memorial State University, Dipolog Campus, Philippines (jaysongerudias13@gmail.com)

Ramirez, Michael D.
Jose Rizal memorial State University, Dipolog Campus, Philippines (michaeldalmanramirez@gmail.com)

Gutib, Regine E.
Jose Rizal memorial State University, Dipolog Campus, Philippines (Reginegutib309@gmail.com)

Sescon, Ma. Estela A.*
Jose Rizal memorial State University, Dipolog Campus, Philippines (maestelasescon@jrmsu.edu.ph)

Abstract:

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay makabuo ng leksikograpiya ng mga register ng wikang de Bangka sa Zamboanga del Norte batay sa katawagan at deskripsyon ng mga isda; katawagan ng mga kagamitan sa pangingisda at klasipikasyon ng mga isdang makukuha ayon sa iba’t ibang uri ng kagamitan sa pangingisda para magamit, mapreserba at maipamana sa mga susunod na henerasyon ang mga register ng wikang de Bangka sa mga piling pook ng Zamboanga del Norte. Ang pananaliksik ay ginamitan ng kwalitatibong pamamaraan na uri ng pananaliksik. Ang mga instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos ay obserbasyon, pakikipanayam o (FGD) at talatanungan at ang mga kalahok ay napili sa pamamagitan ng purposive sampling. Batay sa resulta ng pag-aaral, natukoy ang katawagan at deskripsyon ng mga isda, katawagan at deskripsyon ng mga kagamitan sa pangingisda at klasipikasyon ng mga isdang nahuhuli ayon sa gamit at ayon sa haba ng karanasan, minanang tradisyon at kinagisnang kultura. Iminumungkahi ng pag-aaral na maipakilala ang register ng wikang de-bangka sa lokal, nasyonal at internasyonal na larang para sa preserbasyon ng pamanang kultura at tradisyon ng wikang de bangka sa pamamagitan ng distribusyon ng awtput ng pag-aaral sa lahat ng opisina ng gobyerno maging sa social media.

Keywords: register, wikang de-bangka, isang kalipunan, katawagan ng mga isda, katawagan ng mga kagamitan sa pangingisda

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25843

Cite this article:
Gerudias, J. R., Ramirez, M. D., Gutib, R. E., & Sescon, M. E. A. (2025). Register ng Wikang de Bangka sa mga piling lungsod ng Zamboanga del Norte: Isang kalipunan. International Journal of Research Studies in Education, 14(5), 15-24. https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25843

* Corresponding Author