Kamalayan, pagtanggap, at hamon sa paggamit ng Artificial Intelligence sa pagtuturo ng Filipino

2025 IJRSE – Volume 14 Issue 17

Available Online:  12 December 2025

Author/s:

Dichoso, Joanne D.*
Sorsogon State University, Philippines (joannedichoso96@gmail.com)

Lagata, Maria Celeste J.
Sorsogon State University, Philippines (lagata.mariaceleste@sorsu.edu.ph)

Marbella, Felisa D.
Sorsogon State University, Philippines (felisa.marbella@sorsu.edu.ph)

Abstract:

Layunin ng pag-aaral na suriin ang kamalayan, antas ng pagtanggap, at mga hamon ng mga guro sa Filipino sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa edukasyon. Ginamit ang quantitative research, partikular ang descriptive correlational design, upang matukoy ang ugnayan ng mga nasabing baryabol. Ang mga kalahok ay 20 gurong nagtuturo ng Filipino sa sekondarya sa ilalim ng Schools Division Office ng Sorsogon, na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling sapagkat sila ay aktibong gumagamit ng AI-powered tools at may direktang karanasan sa integrasyon ng teknolohiya sa pagtuturo. Ipinakita ng mga resulta na mataas ang kamalayan ng mga guro sa AI at mataas din ang antas ng kanilang pagtanggap dahil itinuturing nila ang AI bilang kapaki-pakinabang, madaling gamitin, at nakatutulong sa pagkatuto at propesyonal na pag-unlad. Lumitaw din ang katamtamang positibong ugnayan sa pagitan ng kamalayan at pagtanggap (r = 0.405), na pinakamalakas sa aspetong intensiyon at pinakamahina sa kadalian ng paggamit. Gayunpaman, natukoy na ang mga guro ay humaharap pa rin sa kakulangan sa kasanayan, isyu sa katumpakan at etika, at teknikal na limitasyon na nakaaapekto sa ganap na paggamit ng AI. Batay sa mga natuklasan, kinokonklusyon na bagama’t mataas ang kamalayan at pagtanggap ng mga guro sa AI, kailangan pa rin ng sapat na gabay, pagsasanay, at teknikal na suporta upang maging ganap ang integrasyon nito sa edukasyon. Inirerekomenda ang mas malawak na pagsasanay, palihan, at patuloy na suporta sa paggamit ng AI, pati na rin ang malinaw na polisiya at sapat na kagamitan upang matiyak ang epektibo at sustainable na paggamit ng AI sa pagtuturo ng Filipino.

Keywords: Artipisyal na Intelihensiya (AI), guro sa Filipino, kamalayan, antas ng pagtanggap, edukasyon

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25326

Cite this article:
Dichoso, J. D., Lagata, M. C. J., & Marbella, F. D. (2025). Kamalayan, pagtanggap, at hamon sa paggamit ng Artificial Intelligence sa pagtuturo ng Filipino. International Journal of Research Studies in Education, 14(17), 299-317. https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25326

*Corresponding Author