G-Workbuk: Materyal sa pagpapaunlad ng kasanayan sa gramatikang Filipino

2025 IJRSE – Volume 14 Issue 16

Available Online:  1 November 2025

Author/s:

Gegajo, Jennifer H.*
Sorsogon State University, Philippines (jnngegajo.25@gmail.com)

Deyto, Nilda H.
Sorsogon State University, Philippines (deytonilda@gmail.com)

Abstract:

Natiyak sa pag-aaral na ito ang kadalasang pagkakamali ng mag-aaral sa gramatikang Filipino. Ginamitan ng disenyong debelopmental ang pananaliksik na ito. Ang mga kalahok ay ang mga mag-aaral mula sa ika-11 baitang ng General Academic Strand ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Cumadcad at mga dalubgurong nagtuturo ng asignaturang Filipino. Ang pinagkunan ng datos ay isang kalipunan o portfolio ng naisulat na sanaysay ng mga mag-aaral. Ginamit ang korpus-analisis – error analisis sa pag-analisa ng datos, frequency count at LRMDS para sa materyal ang resulta ng datos. Natuklasan na maraming pagkakamali ang mga mag-aaral sa kasanayang gramatikang Filipino sa kadahilanang hindi sapat ang kaalaman at kakayahan sa paggamit ng mga ito. Ang nabuong materyal sa pagpapaunlad ng kasanayang gramatikang Filipino ay kakikitaan ng mga bahaging tulad ng pabalat, paunang salita, talaan ng nilalaman, aralin at mga pagsasanay, susi ng pagwawasto at talasanggunian. Lahat ng bahagi ng gabay-materyal ay may ebalwasyong katanggap-tanggap ayon sa pagmamarka ng eskperto. Ang ilan sa mga bahagi ng materyal ay dapat na rebisahin at ayusin. Inirerekomenda na pag-igtingin pa ang pagsasanay sa kasanayang gramatikang Filipino. Ang gabay-materyal ay may kapakinabangan sa pagkatuto ng mag-aaral at pagtuturo ng mga guro. Ipagamit sa mga mag-aaral ang nabuong materyal upang higit pa itong makatulong sa pagpapaunlad ng kasanayan at kaalamang panggramatika sa asignaturang Filipino. Magsagawa pa ng ibang pag-aaral na may kaugnayan sa kagamitang pampagtuturo sa asignaturang Filipino.

Keywords: asignatura, G-worbuk, gramatika, kasanayan, materyal

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25297

Cite this article:
Gegajo, J. H., & Deyto, N. (2025). G-Workbuk: Materyal sa pagpapaunlad ng kasanayan sa gramatikang Filipino. International Journal of Research Studies in Education, 14(16), 137-154. https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25297

*Corresponding Author