Lakbay-silip gandang Castillanun: Mga atraksyong panturismo

2025 IJRSE – Volume 14 Issue 10

Available Online:  3 June 2025

Author/s:

Millena, Cristine Grace Key J.*
Sorsogon State University, Philippines (cristinegracekey.millena@deped.gov.ph)

Mariano, Sharon D.
Sorsogon State University, Philippines (sharondivinamariano@gmail.com)

Abstract:

Natiyak sa pag-aaral na ito na makilala ang mga natatanging turismo sa bayan ng Castilla, lalawigan ng Sorsogon, taong 2025. Deskriptib- kuwalitatib ang disenyo ng pananaliksik. Purposive sampling ang ginamit sa pagkuha ng datos (10) impormante kabilang ang Lokal na pamahalaan, kagawaran Ng edukasyon, komunidad at sa kagawaran ng turismo. Nagsagawa ng isang interbyu at sarbey ang mananaliksik. Ang mga nalikom na datos ay binigyan ng naayon na pag-aanalisa, pagsusuri, at interpretasyon sa tulong ng tematik -analisis at pagbibilang. Natuklasan na ang bayan ng Castilla sa Sorsogon ay kilala sa mga likas na tanawin at atraksyon. Malaki ang benepisyong naiaambag ng turismo sa kabuhayan, kultura, at kaunlaran ng komunidad at lokal na pamahalaan. Isang magasin ang binuo upang ipalaganap ang impormasyon at kagandahan ng mga pasyalan sa lugar. Batay sa natuklasan na buo at inilahad ang sumusunod na konklusyon: Iba -iba ang pagkakilanlan ng mga natatanging turismo sa bayan ng Castilla. May mahalagang benepisyong dulot ang turismo sa bayan ng Castilla sa iba’t ibang larangan. Ang nabuong magasin ay maaaring basahin at ibahagi upang maipakilala pang lalo ang turismo sa bayan ng Castilla. Batay sa nakuhang kongklusyon sa pag-aaral na naisagawa, inirekomenda ng mananaliksik ang mga sumusunod: Patuloy na kilalanin at paunlarin ang mga turismong mayroon ang bayan ng Castilla. Mas paunlarin at tangkilikin ang pambansang wika natin tungo sa mas malagong turismo. Pagyamanin pa ang mga benepisyong naidudulot ng turismo. Maging batayan ang mungkahi ng pag-aaral sa ika-uunlad ng turismo sa bayan ng Castilla. Magamit ng lokal na pamahalaan para maging batayan sa paggawa ng proyekto para sa pagpapaunlad ng mga natatanging turismo sa bayan ng Castilla.

Keywords: lakbay-silip, turismo, atraksyon, Castilla, ambag, benepisyo

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25148

Cite this article:
Millena, C. G. K. J., & Mariano, S. D. (2025). Lakbay-silip gandang Castillanun: Mga atraksyong panturismo. International Journal of Research Studies in Education, 14(10), 197-207.  https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25148

* Corresponding Author