2025 IJRSE – Volume 14 Issue 10
Available Online: 3 June 2025
Author/s:
Bunagan, Shiela Amor V.*
Sorsogon State University, Philippines (shielaamor.bunagan@deped.gov.ph)
Mariano, Sharon D.
Sorsogon State University, Philippines (sharondivinamariano@gmail.com)
Abstract:
Natiyak sa pag-aaral na ito na matukoy ang mga kilalang pagkain sa lungsod ng Sorsogon. Deskriptib-kwalitatib na disenyo ang ginamit sa paglikom ng mga datos para sa pag-aaral. Upang makuha ang kasagutan ng mga kalahok, namahagi ang mananaliksik ng talatanungan sa piling mga tao mula sa iba’t ibang barangay. May 33 na barangay ang nakapagbigay ng mga pagkaing kilala sa lungsod ng Sorsogon . Sa kabuuan, nalikom ang mga kasagutan ng mga kalahok galing sa lungsod ng Sorsogon. Gumamit ang mananaliksik ng random sampling sa pagpili ng mga kalahok. Isang talatanungan ang inihanda at ipinasagot ng mananaliksik. Ang mga datos at resulta ng panayam ay isinailalim sa pagsusuri, talahanayan, at binigyan ng kaukulang interpretasyon upang maipakita ang resulta ng pananaliksik. Natuklasan sa pag-aaral na ang lungsod ng Sorsogon ay may mayamang kulturang kulinariya na makikita sa iba’t ibang pagkaing pampagana, pangunang hain, panghimagas, at meryenda na may kaugnayan sa kasaysayan at pamumuhay ng mga Sorsoganon. Nabuo ang isang babasahing materyal na naglalaman ng mga pagkaing ito upang maipakilala ang kanilang kahalagahan sa kultura at pagkakakilanlan ng lungsod. Ang materyal ay positibong tinanggap batay sa katumpakan ng nilalaman, malinaw na pagtalakay, at kaaya-ayang disenyo. Batay sa mga natuklasan, nabuo ang mga sumusunod na konklusyon: Napatunayang ang lungsod ng Sorsogon ay may mga pagkaing kilala batay sa pampagana, pangunang hain, panghimagas, at meryenda. Ang nabuong magasin ay nagpakita ng sangkap, proseso ng pagluluto, at lasa ng mga pagkaing ito, at ito ay tinanggap batay sa nilalaman, pagtalakay, at disenyo. Ang mga sumusunod ay ang mga nabuong rekomendasyon sa pag-aaral. Hinihikayat ang mga taga-Sorsogon na tangkilikin at panatilihin ang kanilang mga tradisyunal na pagkain. Maaaring gamitin ang impormasyong nakalap sa pagtuturo at promosyon ng kultura sa pamamagitan ng social media tulad ng blog, reels, at tiktok upang mas makilala ang Sorsogon at makahikayat ng mga turista.
Keywords: pagkain, sorsogon, babasahing materyal, kulinarya, pagkilala
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25140
Cite this article:
Bunagan, S. A. V., & Mariano, S. D. (2025). Karaon sa Sorsogon: Mga pagkaing kilala sa Lungsod Sorsogon. International Journal of Research Studies in Education, 14(10), 147-157. https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25140
* Corresponding Author