2025 IJRSE – Volume 14 Issue 10
Available Online: 27 May 2025
Author/s:
Palsaan, Melecio, Jr., Dugas
Benguet State University, Philippines (Meleciopalsaan@gmail.com)
Abstract:
Ang dyornalistikong pagsulat ay isang uri ng pagsulat na may layuning maghatid ng impormasyon sa publiko sa paraang malinaw, makatotohanan, at kapani-paniwala. Siniyasat ng pag-aaral na ito ang kamalian ng mga mag-aaral sa BSU-SLS sa pagsulat ng editoryal sa pamatnubay, katawang bahagi, at kongklusyon. Gumamit ng kwalitatibong pamamaraan na may desinyong pagsusuring pangnilalaman. Batay sa isinagawang pag-aaral, natuklasan ang tatlong kamalian sa pagsulat ng editoryal; sa pamatnubay ay ang kahabaan ng pamatnubay, maligoy na isyu, at malabong panig. Lumabas din na may tatlong kamalian sa katawang bahagi. Ito ay ang mga sumusunod: kawalan ng organisasyon, mahinang pangangatwiran, at hindi kaakmaan ng katawan sa panig ng editoryal. Sa bahaging kongklusyon naman ay kawalan ng panawagan, at kulang sa pokus.
Keywords: kakayahan, dyornalistikong pagsulat, editoryal
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25139
Cite this article:
Palsaan, M., Jr., D. (2025). Kakayahan ng mga mag-aaral sa dyornalistikong pagsulat sa editoryal. International Journal of Research Studies in Education, 14(10), 137-146. https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25139