Sipat-suri sa mga tulang Barcelonanon

2025 IJRSE – Volume 14 Issue 8

Available Online:  2 May 2025

Author/s:

Ebuenga, Kiven Louis Dave*
Sorsogon State University, Philippines (ebuengakivenlouis@gmail.com)

Jolo, Richelda P.
Sorsogon State University, Philippines (richeldajolo@gmail.com)

Abstrak:

Tiniyak sa pag-aaral na ito ang pagsusuri sa mga elementong nakapaloob sa mga tulang Barcelonanon mula sa bayan ng Barcelona, Sorsogon. Saklaw ng pananaliksik ang mga tula na nakasulat sa diyalektong Barcelonanon na isinulat ng mga mamamayan at naninirahan sa nasabing bayan. Gumamit ng purposive sampling ang pananaliksik at isinama ang lahat ng may naisulat na tula sa diyalektong Barcelonanon. Sa pamamagitan ng referral technique, natukoy ang 12 kalahok mula sa iba’t ibang barangay ng Barcelona na kilala sa pagsulat ng tigsik, rawit-dawit, at bugtong. Gumamit ang mananaliksik ng iskedyul ng interbyu upang makuha ang mga datos. Ginamit ang tematik-analisis at content analysis sa pagsusuri ng mga tula, ayon sa balangkas ni Virgilio S. Almario (Taludtod at Talinghaga, 2017). Natuklasan na ang mga tulang Barcelonanon ay may tatlong pangunahing elemento: tugma, saknong, at talinghaga. Iba-iba ang bilang ng saknong at taludtod sa bawat tula. Ang “Kalipunan ng mga Tulang Barcelonanon” ay naglalaman ng mga akda mula sa mga manunulat sa Barcelona na nagpapakita ng kanilang kultura at galing. Batay sa mga natuklasan, nabuo ang konklusyon na ang mga tulang Barcelonanon ay may malaking epekto sa kultura at panitikan ng bayan, at isang mahalagang bahagi ng kultural na pamana ng Pilipinas. Inirerekomenda ang pag-aaral ng mga tula, tigsik, rawit-dawit, at bugtong upang mapahalagahan ang wika at sining ng Barcelona at magsilbing gabay sa pagpapakilala ng ambag ng Barcelona sa panitikan.

Susing Salita: tula, Barcelonanon, Panitikan, elemento ng tula, suri, kultura

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25090

Cite this article:
Ebuenga, K. L. D., & Jolo, R. P. (2025). Sipat-suri sa mga tulang Barcelonanon. International Journal of Research Studies in Education, 14(8), 195-217. https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25090

* Corresponding Author