Special Luminary Issue
2024 IJRSE – Volume 13 Issue 2
Available Online: 5 May 2024
Author/s:
Viacrucis, Ferdelyn
Palompon Institute of Technology, Philippines (ferdelyn.viacrucis@pit.edu.ph)
Abstract:
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang pagsusuring feminismo sa mga tula ni Ruth S. Mabanglo ito ay maging batayan sa pagpapaunlad ng mga pananaw sa kababaihan gamit ang pagbasa ng panitikang Filipino. Ginamit sa pagsusuri ang aspetong diskors, diskriminasyon, tema, at kultural at inihambing ang mga kultural ng mga tula tulad ng pagtanggap at estado ng kababaihan sa lipunan. Natuklasan sa pag-aaral na ito na ang apat na aspektong binabanggit sa pag-aaral tulad ng Diskors, Diskriminasyon, Tema, at Kultural ay pawang positibo o may pagbabago ang mga tugon ng kababaihan. Ito’y nagpapahiwatig na sa pamamagitan ng mga feminismong tulang ito ay nakatulong na naipahahayag ang isang paghuhulma sa kababaihan na imulat ang isipan at damdamin na may magagawa sila na maging tulay nagpagbabago sa kanyang mundong ginagalawan, at naihambing, na magpahanggang sa kasalukuyan nababakas din na magagamit ang feminismong pananaw ng mga tula sa paghugis ng kagandahan tungkol sa kababaihan na may mabuti ding maidudulot sa lipunan na hindi na sila basta-bastang apihin, kayan-kayanin dahil may pantay na kalidad din sila sa lipunan. Nakabuo ng konklusyon ang mananalisik na ang pananaw ng mga tula ni Ruth S. Mabanglo ay may paksa ng mga repleksyon ng pang-araw-araw na pakikisalamuha sa kanilang kapwa at sa mga bagay sa kanilang kapaligiran, at nagtataya ng mga katangiang sadyang likas na maganda.
Keywords: pagsusuri, feminismo, pananaw, tema, kultura, diskors, diskriminasyon
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2024.24805
Cite this article:
Viacrucis, F. (2024). Pagsusuring feminismo sa mga tula ni Ruth S. Mabanglo. International Journal of Research Studies in Education, 13(2), 63-72. https://doi.org/10.5861/ijrse.2024.24805