Kontekstuwalisadong learning activity sheet ng morpema at kasanayan sa talasalitaan

Special Luminary Issue
2024 IJRSE – Volume 13 Issue 2

Available Online:  5 May 2024

Author/s:

Lopez, Rhea
Laguna State Polytechnic University, San Pablo Campus, Philippines (rhea.lopez001@deped.gov.ph)

Abstract:

Ang pagpapayaman ng talasalitaan ang isa sa mga kasanayang dapat matutukan sa pagtalakay ng mga tekstong aralin. Kasama rito ang kagamitan na gagamitin ng mga mag-aaral na dapat ay masusing naihanda upang magkaroon ng lubos na pagka-unawa sa aralin. Layon ng pag-aaral na ito na mapataas ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa talasalitaan. Ginamit ang disenyong Descriptive-Experimental upang makita ang ugnayan ng mga baryabol. Ang mga mag-aaral mula sa Ikapitong Baitang ng Mataas na Paaralan ng Lungsod ng San Pablo na may kabuuang limampu (50) ang naging tagasagot sa pananaliksik na ito. Lumalabas na ang Kontekstwalisadong Learning Activity Sheet ng Morpema ay lubos na tinatanggap ng mga tagasagot. Bukod pa rito ay naipakita na may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa talasalitaan ng mga tagasagot bago at pagkatapos gamitin ang Kontekstwalisadong Learning Activity Sheet ng Morpema. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, inirerekomenda ng kasalukuyang mananaliksik na gamitin at linangin pa ang mga gawain sa Kontekstwalisadong Learning Activity Sheet na ito upang makatulong na mahasa ng mga mag-aaral ang kanilang kasanayan sa talasalitaan.

Keywords: kasanayan, kontekstwalisado, learning activity sheet, morpema, talasalitaan

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2024.24803

Cite this article:
Lopez, R. (2024). Kontekstuwalisadong learning activity sheet ng morpema at kasanayan sa talasalitaan. International Journal of Research Studies in Education, 13(2), 31-43. https://doi.org/10.5861/ijrse.2024.24803