2024 IJRSE – Volume 13 Issue 5
Available Online: 15 May 2024
Author/s:
Adigue, Andrea P.
Nueva Ecija University of Science and Technology, Philippines (andreaa@ineust.ph.education)
Abstract:
Mayroong implikasyon ang Artificial Intelligence (AI) sa akademiko, sa konteksto ng pagbabago makikita ang malalim at rasyunal na maaaring magbigay-liwanag sa kahalagahan at layunin nito. Ang pag-aaral na ito na may pamagat na “Iniibig ko ang Pilipinas: Diskurso at kurso sa panahon ng Artificial Intelligence (AI) at Implikasyon sa Akademiko” ay naglayong maunawaan ang kahalagahan ng pagmamahal sa bansa at pagpapahalaga sa pambansang kultura sa konteksto ng patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, kasabay ng paglaganap ng Artificial Intelligence. Sa pamamagitan ng mga layuning suriin ang mga pagbabago sa akademikong diskurso at kurikulum, pananaw at kaugalian ng mga akademiko, potensyal na solusyon at interbensyon, implikasyon ng Artificial Intelligence at kontribusyon sa pambansang diskurso at polisiya sa edukasyon, nagkaroon ng malalim at komprehensibong pag-unawa sa mga aspekto ng pambansang pagmamahal at pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng theoretical grounding na sosyo-kultural at post-kolonyalismo, natuklasan ang malawak na perspektiba at konteksto sa pag-unawa sa mga isyu at oportunidad na nauugnay sa pagmamahal sa bansa at pagpapahalaga sa kultura, lalo na sa harap ng pag-unlad ng Artificial Intelligence. Sa kabuuan, ang pag-aaral na ito ay naglayong magkaroon ng kontribusyon sa pagpapalalim ng pambansang diskurso at polisiya sa edukasyon sa panahon ng Artificial Intelligence, sa pamamagitan ng pagpapakita ng ugnayan ng mga teoryang sosyo-kultural at post-kolonyal sa mga isyu ng pagmamahal sa bansa at pagkakakilanlan.
Keywords: akademiko, sosyo-kultural, post-kolonyalismo, implikasyon ng articifial intelligence, artificial intelligence
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2024.24019
Cite this article:
Adigue, A. P. (2024). Iniibig ko ang Pilipinas: Diskurso at kurso sa panahon ng Artificial Intelligence at implikasyon sa akademiko. International Journal of Research Studies in Education, 13(5), 1-13. https://doi.org/10.5861/ijrse.2024.24019