2022 IJRSE – Volume 11 Issue 14
Special IJRSE Luminary Issue
Available Online: 20 October 2022
Author/s:
Hernandez, Laila G.
Nueva Vizcaya State University, Philippines (lh920225@gmail.com)
Abstract:
Nilayon ng pag-aaral na ito na suriin ang mga umiiral na graffiti ng mga mag-aaral ng Nueva Vizcaya State University-Bambang Campus tungo sa pag-unawa sa mga mag-aaral. Kwalitatibong disenyo at diskriptibo ang ginamit dito kung saan inilarawan ang mga nangingibabaw na tema, damdamin at uri at ng wika sa mga graffiti na likha ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral ay isinagawa sa Panuruang-taon 2015-2016 partikular sa buwan ng Marso. Ang mga natuklasan sa pag-aaral ay: (1) Ang mga graffiti sa unibersidad ay mahahati sa tatlong kategorya ayon sa lugar basehan kung saan ang may pinakamaraming graffiti ay sa pader, upuan at palikuran; (2) Tatlong kategorya ayon sa kahulugan ang lumutang mula sa isinagawang pagsusuri sa mga graffiti na likha ng mga mag-aaral. Una, lumabas ang mga tema o paksang nauugnay sa buhay-tinedyer. Ikalawa, nailantad ang mga katangian at damdaming kinikimkim ng mga mag-aaral. Ikatlo, lumutang ang uri ng wika ng mga kabataan. Napatunayan sa pag-aaral na ang mga graffiting lumalaganap ay makikita sa mga upuan, pader at palikuran. Ang mga natuklasang graffiti sa buong campus ay nagpapakita ng iba’t ibang kahulugan na nahahati sa tatlong kategorya tulad ng lumabas ang mga tema o paksa, katangian/damdamin at mababang uri at antas ng paggamit ng wika. Imimungkahi ang pagtuturo sa kanila ng tamang pagpapahayag ng paghanga o pag-ibig, pangarap sa buhay, maging ng kanilang mga matitinding emosyon tulad ng galit.
Keywords: bandalismo, graffiti, kasaysayan, pagsusuri, wika
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2022.b052
Cite this article:
Hernandez, L. (2022). Pagsusuri sa mga graffiti ng mga mag-aaral sa Nueva Vizcaya State University-Bambang Campus. International Journal of Research Studies in Education, 11(14), 129-137. https://doi.org/10.5861/ijrse.2022.b052