2022 IJRSE – Volume 11 Issue 14
Special IJRSE Luminary Issue
Available Online: 20 October 2022
Author/s:
Solis, Janet
Zamboanga Peninsula Polytechnic State University, Philippines (janetsolis1978@gmail.com)
Abstract:
Sa payak na pagbibigay-kahulugan ang mabuhay (survival) ay tumutukoy sa mga kalagayan o mga pangyayaring nagpapakita ng pagpapatuloy ng buhay sa kabila ng mga pagsubok o paghihirap (Merriam-Webster dictionary). Para sa mga Badjao, ang salitang kalluman ang pinaka-angkop na panumbas sa salitang survival. Ito ay kumbinasyon ng salitang kallu na ang ibig sabihin ay buhay (life) at man na nangangahulugang mga gawain (activity). Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ang pagbuo sa konsepto ng kalluman ng mga Badjao na inilarawan sa kultural na mga katawagan tungo sa pagkilala ng kanilang identidad gamit ang emik na perspektiba. Ang mga kultural na katawagan kaugnay ng kanilang mga tradisyon at paniniwala sa domeyn ng siklo ng buhay ay kinalap mismo mula sa mga katutubong Badjao. Kinapanayam ng mananaliksik ang mga katutubong Badjao sa pamamagitan ng pangkatang talakayan (FGD) upang mabigyan ng kahulugan ang mga katawagang ito. Lumabas sa pag-aaral na ang konsepto ng kalluman ay nakasalig sa kanilang paniniwala sa mga sinaunang tradisyon na tinatawag na boa kamatoahan, pananalig sa kanilang mga ninuno na may kapangyarihang magbigay ng biyaya at proteksyon sa mga marunong magbigay at magbahagi ng mga biyaya sa iba at mag-alay ng pasasalamat, paggalang at pag-alala sa mga ninuno, at mahigpit na pagsunod sa mga sinaunang tradisyon.
Keywords: kalluman, Badjao, kultural na katawagan, siklo ng buhay
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2022.b018
Cite this article:
Solis, J. (2022). Ang konsepto sa kalluman ng Badjao: Pagsilang hanggang pagkamatay. International Journal of Research Studies in Education, 11(14), 59-77. https://doi.org/10.5861/ijrse.2022.b018