2022 IJRSE – Volume 11 Issue 7
Special Issue on Monographs and Dissertations
Available Online: 7 May 2022
Author/s:
Dipolog, Susan B.*
University of Mindanao, Philippines (dipologsusan@yahoo.com)
Edillon, Anna Lou G.
Carmen National High School, Philippines
Abstract:
Layunin ng pag-aaral na ito na mabatid ang modelong higit na naaangkop sa kasanayang pangkomunikatibo pati na rin ang mga nabuong pagkakaugnay-ugnay ng kaligirang sosyal na pagkatuto, motibasyon, saloobin ng mga mag-aaral at kasanayang pangkomunikatibo. Disenyong deskriptiv-kwalitatib at estruktural na modelong panataya ang ginamit sa pananaliksik. Nagmula ang mga datos sa 400 na mga mag-aaral ng Senior High School bilang responden te mula sa apat na Sangay sa lalawigan ng Davao del Norte gamit ang ran- dom sampling technique. Ginamitan ito ng apat na istandardisadong talata- nungan na nagsilbing instrumento ng pananaliksik. Sa pagsusuring estadis- tikal, ginamit ang mean, pearson-r, multiple regression at structural equation model upang matamo ang layunin. Natuklasan sa pag-aaral na nagkaroon ng makabuluhang ugnayan at makabuluhang impluwensya ang kaligirang sosyal na pangklasrum, motibasyon at saloobin ng mga mag-aaral sa kasanayang pangkomunikatibo. Dagdag pa, ang kaligirang sosyal na pangklasrum ang natatanging latent baryabol na may direktang epekto sa kasanayang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral. Sa pagtukoy naman sa best fit model, lumabas sa resulta na may malakas na impluwensya ang mga indikeytor ng kaligirang sosyal na pangklasrum bilang prediktor sa kasanayang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral na makikita sa ikalimang modelo na naging pinakaangkop na modelo sa pananaliksik.
Keywords: education, motivation, classroom social environment, communicative skills, structured equation modelling, Philippines
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2022.315
Cite this article:
Dipolog, S. B., & Edillon, A. L. G. (2022). Kasanayang pangkomunikatibo: Isang estrukural na panatayang pagdulog. International Journal of Research Studies in Education, 11(7), 73-123. https://doi.org/10.5861/ijrse.2022.315
*Corresponding Author