Pangangasiwang pangklasrum at motibasyong pangwika ng mga mag-aaral

2022 IJRSE – Volume 11 Issue 7
Special Issue on Monographs and Dissertations

Available Online:  15 April 2022

Author/s:

Dipolog, Susan
University of Mindanao, Philippines (dipologsusan@yahoo.com)

Abstract:

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang salik ng motibasyong pangwika. Nilalayon din ng pag-aaral na tiyakin ang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng malayang baryabol na pangangasiwang pangklasrum at ang ang di-malayang baryabol na motibasyong pangwika ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng non-experimental at korelasyonal na disenyo ng pananaliksik. Ginamit ang sample random sampling sa pagtukoy ng 400 na mga kolehiyong mag-aaral bilang respondent ng pag-aaral. Ginamit din sa pag-aaral na ito ang downloaded na mga talatanungan mula sa web sources na minodipika para sa pangangailangan ng pag-aaral. Pinakita sa resulta na ang malayang baryabol na pangangasiwang pangklasrum ay may makabuluhang ugnayan sa di-malayang baryabol na motibasyong pangwika. Ang pangangasiwang pangklasrum na kinatawanan ng pangangasiwa sa pag-uugali sa klasrum, tiyak na pamamaraan sa pagtuturo, pakikiisa sa mga magulang at pagpaplano at suporta ay lubos na nakaimpluwensiya sa motibasyong pangwika na kinatawanan ng pandamdamin, pag-aangkop sa layunin at pag-asam.

Keywords: edukasyon, gawing pagkatutong pangwika, motibasyong, pangwika, Pilipinas

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2022.304

Cite this article:
Dipolog, S. (2022). Pangangasiwang pangklasrum at motibasyong pangwika ng mga mag-aaral. International Journal of Research Studies in Education, 11(7), 23-42. https://doi.org/10.5861/ijrse.2022.304