2022 IJRSE – Volume 11 Issue 3
Available Online: 23 January 2022
Author/s:
Dipolog, Susan*
University of Mindanao, Philippines (dipologsusan@yahoo.com)
Limpot, Marilou
University of Mindanao, Philippines (uoliramtopmil@gmail.com)
Abstract:
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang pinakaangkop na modelo ng motibasyong pangwika. Nilalayon din ng pag-aaral na tiyakin ang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng exogenous na mga baryabol: pangangasiwang pangklasrum, pakikilahok ng mga mag-aaral, gawing pagkatutong pangwika at ang endogenous na baryabol na motibasyong pangwika ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng non-experimental at korelasyonal na disenyo ng pananaliksik at Modelong Panatayang Istruktural upang malaman ang pinakaangkop na modelo ng Motibasyong Pangwika. Ginamit ang sample random sampling sa pagtukoy ng 400 na mga kolehiyong mag-aaral bilang respondent ng pag-aaral. Gina din sa pag-aaral na ito ang downloaded na mga talatanungan mula sa web sources na minodipika para sa pangangailangan ng pag-aaral. Pinakita sa resulta na ang exogenous na mga baryabol: pangangasiwang pangklasrum, pakikilahok ng mga mag-aaral, at ang gawing pagkatutong pangwika ay may makabuluhang ugnayan sa endogenous na motibasyong pangwika. Ang pangangasiwang pangklasrum na kinatawanan ng pangangasiwa sa pag-uugali sa klasrum, tiyak na pamamaraan sa pagtuturo, pakikiisa sa mga magulang at pagpaplano at suporta; pakikililahok ng mga mag-aaral na kinatawanan ng kagustuhan sa pagkatuto, kagustuhan sa pag-aaral, pagsisikap at pagtitiyaga, estrakurikular na gawain at pangkabatirang pakikilahok; at ang gawing pagkatutong pangwika na kinatawanan ng pansariling imahe, pagpipigil, pakikipagsapalaran, pag-unawa sa sariling opinyon, motibasyon at kalabuan ay lubos na nakaimpluwensiya sa motibasyong pangwika na kinatawanan ng pandamdamin, pag-aangkop sa layunin at pag-asam.
Keywords: edukasyon, pangangasiwang pangklasrum, pakikilahok ng mga mag-aaral, gawing pagkatutong pangwika, motibasyong pangwika, modelong panatayang estruktural, Pilipinas
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2022.113
Cite this article:
Dipolog, S., & Limpot, M. (2022). Motibasyong pangwika ng mga mag-aaral: Isang istruktural na panatayang dulog. International Journal of Research Studies in Education, 11(3), 157-188. https://doi.org/10.5861/ijrse.2022.113
*Corresponding Author