Danas at persepsyon ng mga mag-aaral sa face-to-face at online learning: Isang integratibong rebyu

2021 IJRSE – Volume 10 Issue 13

Available Online:  16 August 2021

Author/s:

Dimasacat, Ainah Corina B.*
Philippine Normal University, Manila, Philippines (dimasacat.acb@pnu.edu.ph)

Cacho, Reynald M.
Philippine Normal University South Luzon, Philippines (cacho.rm@pnu.edu.ph)

Abstract:

Ang kasalukuyang integratibong rebyu ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura ay naglalayong alamin at unawain ang mga danas at persepsyon ng mga mag-aaral sa face-to-face at online learning. Mula sa nakalap na 20 pag-aaral gamit ang Google Scholar, 17 ang pinal na bilang ng mga sinuring papel batay sa mga pamantayang angkop sa proyektong na nais isagawa sa pagsasaliksik. Gamit ang mga pangunahing salik o dimensyong Course Structure/Organization, Social Interaction, Student Engagement, at Student Satisfaction, tinimbang at sinipat ang ugnayan ng mga nakalap na sanggunian. Ilan pang mga salik bukod sa mga naunang binanggit ang nakapagpaunlad sa pag-unawa sa tala ng mga kalahok sa bawat sinuring pag-aaral. Lumabas din sa kasalukuyang pagsusuri ang ilan pang mga posibleng gawing pokus ng mga susunod na pananaliksik gaya ng kung paano ba tinitingnan ng mga mag-aaral ang responsibilidad ng mga guro sa online learning. Gayundin ang pagsipat sa tunay na esensya ng palagiang isinusulong na kolaboratibong gawain sa kabila ng magkakaiba ang estilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Inaasahang makatutulong ang rebyung ito upang magsagawa ng buong pananaliksik ang mga guro lalo na’t patuloy ang pagbabagong-bihis at disenyo ng pagtuturo at pagkatuto sa Pilipinas.

Keywords: persepsyon, danas, online learning, face-to-face

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2021.a059

Cite this article:
Dimasacat, A. C. B., & Cacho, R. M. (2021). Danas at persepsyon ng mga mag-aaral sa face-to-face at online learning: Isang integratibong rebyu. International Journal of Research Studies in Education, 10(13), 77-96. https://doi.org/10.5861/ijrse.2021.a059

*Corresponding Author