2021 IJRSE – Volume 10 Issue 1
Special IJRSE Luminary Issue
Available Online: 2 December 2020
Author/s:
Punsalan, Marvin C.*
City College of Angeles, Philippines (marvincpunsalan@gmail.com)
Mariano, Leri Mae P.
Holy Family Academy, Philippines (mariano.lmp@pnu.edu.ph)
Rosilla, Michael Bryan
Mabalacat City College, Philippines (michael.rosilla17@gmail.com)
Abstract:
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtaka upang bigyang pansin ang mas mataas na antas ng pag-aaral ng wika at panitikang Filipino sa senior high school sa Pilipinas. Sa kabila ng pagkakaroon ng mga asignaturang Filipino sa senior high school mula sa kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon, nagpapanukala ang mga mananaliksik ng mga bagong asignaturang mas lapit sa danas ng lipunan at nakasandig sa global at lokal na konteksto. Gayundin, ang pagtalakay sa lokal na panitikan ay naglalayong gawing matatag ang kultural na ugat ng mga mag-aaral. Apat na asignatura ang ipinapanukala, 1) Wikang Filipino sa Panahon ng Globalisasyon, 2) Pagsasaling-wika sa Iba’t ibang Larangan, 3) Pagpapahalaga sa Rehiyunal at Pambansang Panitikan, at 4) Malikhaing Pagsulat sa Kulturang Pilipino. Ang mga panukalang asignaturang ito ay nagnanais na malinang ang analitiko, kritikal, kolaboratibo, komunikatibo, malikhaing pag-iisip ng mga mag-aaral.
Keywords: kurikulum sa Filipino; senior high school; panitikan; wika; globalisasyon
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2020.5922
Cite this article:
Punsalan, M. C., Mariano, L. M. P., & Rosilla, M. B. (2021). Panukalang kurikulum sa Filipino sa senior high school. International Journal of Research Studies in Education, 10(1), 75-85. https://doi.org/10.5861/ijrse.2020.5922
*Corresponding Author