Kritikal at inferensyal na kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa larangan ng Filipino ng Visayas State University

2020 IJRSE – Volume 9 Issue 3
Special Issue on Filipino Research Papers

Available Online: 14 July 2020

Author/s:

Flores, Marievic S.*
Department of Teacher Education, Visayas State University, Philippines (marievic.flores@vsu.edu.ph)

Abstract:

Layunin ng pag-aaral na ito ang makilala ang kakayahan ng mga mag-aaral ng Visayas State University na nagpapakadalubahasa sa asignaturang Filipino sa larangan ng pag-unawa ng pagbasa gamit ang tatlong mga hakbang nito. Ginamit sa pag-aaral na ito ang deskriptiv-analitik sa pamamagitan ng purposive sampling. May apat na pu’t lima (45) na mga kalahok na pawang mga mag-aaral ng kolehiyo. Anim na mga maikling kwento ang ginamit bilang instrumento ng pag-aaral. At batay sa resulta, mataas ang kabuuang marka ng mga lalaki kaysa sa mga babae. Samantala, ang kakayahan ng mga mag-aaral sa kritikal at inferensiyal na pag-unawa sa hakbang na bago bumasa ay katanggap-tanggap kung saan ang elementong kalinawan ang nangunguna na may deskriptibong napakakatanggap-tanggap. Mataas naman ang kakayahan ng mga mag-aaral sa hakbang na habang nagbabasa na may resultang napakakatanggap-tanggap. At sa hakbang na pagkatapos na binasa ay may resultang katangi-tangi ang kakayahan ng mga kalahok. Habang ang elementong kalinawan ay nangunguna at ang elementong lohikal ang pinakamababang kakayahan. Ang mga mag-aaral sa hakbang na bago ang basa na napabilang sa mababang pamantayan ang nakakuha nang mataas na kakayahan, sinundan ng mataas na pamantayan at ang panghuli ay ang mga mag-aaral sa pamantayan nito. Sa hakbang na habang bumasa, nangunguna ang mga mag-aaral sa mataas na pamantayan, sinundan ng nasa pamantayan lamang nito at mga mag-aaral na nasa mababang pamantayan ang siyang may pinakamababang mean. Sa hakbang pagkatapos bumasa, nangunguna ang mga mag-aaral na nasa mataas na pamantayan, sinundan ng nasa pamantayan at ang may pinakamababang mean ay ang mga mag-aaral na nasa mababang pamantayan. May kaibahan ang kakayahan ng mga mag-aaral sa kasarian at kabuuang marka at walang kaibahan ang kakayahan ng mga mag-aaral sa tatlong hakbang ng pagbasa na kahit tumaas ang marka o kakayahan ng mga kalahok ngunit, hindi masyadong mataas ang pagtaas ng kanilang kakayahan. Ang lohikal na kakayahan sa pag-unawa ay ang pangunahing dahilan kung bakit mababa sa pag-unawa ng kritikal at inferensiyal na kakayahan ng mga mag-aaral.

Keywords: kritikal; inferensyal; hakbang ng pagbasa; deskriptiv-analitik; kabuuang marka; grade point average

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2020.5825

Cite this article:
Flores, M. S. (2020). Kritikal at inferensyal na kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa larangan ng Filipino ng Visayas State University. International Journal of Research Studies in Education, 9(3), 51-61. https://doi.org/10.5861/ijrse.2020.5825

*Corresponding Author