Pagpapakahulugan sa nobelang Noli Me Tangere: Isang hulwarang gabay sa pagtuturo

2020 IJRSE – Volume 9 Issue 3
Special Issue on Filipino Research Papers

Available Online: 9 July 2020

Author/s:

Mabalhin, Joel Q.*
Visayas State University – Baybay City, Philippines (joelqmabalhinbee7@gmail.com)

Abstract:

Saklaw ng pag-aaral na ito ang pagsusuri sa mga piling pahayag na nakapaloob sa mga piling dalawampu’t limang (25) kabanata ng nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal sa paraang semantik at pragmatik. Sinuri ng mananaklisk ang buong aklat batay sa taglay na mahihirap na mga pahayag sa bawat kabanata. Dumaan ito sa tatlong analisis. Ang una ay nakatuon sa pagsusuri ng mga pahayag batay sa linggwistik na semantik na pagpapakahulugan. Ang ikalawang bahagi ay nakasentro naman sa pagsusuri batay sa pragmatik. Pinagbabatayan ang dalawang mahalagang nilalaman; linggwistikang nilalaman at pisikal na nilalaman. At ang ikatlong hakbang ay ang pagtukoy sa kaugnayan ng pagpapakahulugan batay sa semantik at pragmatik na pananaw. Binigyan ng kopya ang validator upang ebalideyt ang ginawang pagsusuri. Pagkatapos ay gumawa ang mananaliksik ng isang hulwarang gabay sa pagtuturo sa pagbasa gamit ang iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo.

Keywords: Noli Me Tangere; semantik; pragmatik; linggwistikang nilalaman; pisikal na nilalaman

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2020.5822

Cite this article:
Mabalhin, J. Q. (2020). Pagpapakahulugan sa nobelang Noli Me Tangere: Isang hulwarang gabay sa pagtuturo. International Journal of Research Studies in Education, 9(3), 19-27. https://doi.org/10.5861/ijrse.2020.5822

*Corresponding Author