Reciprocal teaching para sa pag-unawa sa maikling kuwentong Asyano ng Baitang 9

2026 IJRSE – Volume 15 Issue 22

Available Online:  20 October 2026

Author/s:

Rosaceña, Rina D.
Daanbantayan National High School, Philippines (rosacenarina24@gmail.com)

Abstract:

Nilayon ng pag-aaral na ito na masuri ang kahusayan ng paggamit ng reciprocal teaching bilang estratehiya sa pagtuturo sa mga mag-aaral sa pag-unawa sa maikling kuwento ng Baitang 9 sa Daanbantayan National High School sa taong panuruan 2025–2026 bilang batayan sa pagbuo ng kagamitang pampagtuturo. Gumamit ang pananaliksik ng One Group Pretest–Posttest Quasi-experimental Design na nilahukan ng 50 mag-aaral ng Baitang 9. Dalawang pangunahing instrumento ang ginamit: test kwestyuner at sarbey kwestyuner na binuo alinsunod sa mga pamantayan ng K to 12 Basic Education Curriculum. Sinukat ang antas ng pag-unawa sa binasa bago at pagkatapos ng interbensiyon, ang makabuluhang pagkakaiba ng pauna at panghuling pagganap, at ang pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng Reciprocal Teaching. Ipinakita ng mga resulta na bago ang interbensiyon, ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa maikling kuwentong Asyano ay nasa katamtamang antas. Pagkatapos ng paggamit ng Reciprocal Teaching, tumaas ang kanilang pagganap sa mahusay hanggang napakahusay na antas sa lahat ng kasanayang sinukat. Pinatunayan ng paired t-test na may makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng pauna at panghuling pagganap na may p-value na <0.001, dahilan upang iwaksi ang null hypothesis. Ipinahihiwatig ng mga natuklasan na ang Reciprocal Teaching ay mabisang estratehiya sa pagpapalalim ng kritikal, analitikal, at interpretatibong pag-unawa ng mga mag-aaral sa pagbasa ng maikling kuwentong Asyano sa antas sekundarya. Inirerekomendang gamitin ang awtput ng pag-aaral na enhanced lesson exemplar bilang awtput ng pag-aaral.

Keywords: reciprocal teaching, kritikal na pag-unawa, maikling kuwento, estartehiya, pagbasa

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26429

Cite this article:
Rosaceña, R. D. (2026). Reciprocal teaching para sa pag-unawa sa maikling kuwentong Asyano ng Baitang 9. International Journal of Research Studies in Education, 15(22), 69-81. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26429