Artificial Intelligence (AI) at wikang Filipino: Karanasan, hamon at pananaw sa mga lokal na barayti ng wika sa Sorsogon

2026 IJRSE – Volume 15 Issue 23

Available Online:  14 November 2026

Author/s:

Albor, Judy Ann D.
Sugod Elementary School, Philippines (dolot.judyann@gmail.com)

Dollente, Janine C.
Rawis National High School, Philippines (janinaydollente0911@gmail.com)

Marbella, Felisa D.*
Sorsogon State University, Philippines (felisa.marbella@sorsu.edu.ph)

Abstract:

Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang mga karanasan, hamon, at pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa pag-unawa, pagsulat, at pagsalin ng mga lokal na barayti ng wikang Filipino sa Sorsogon. Gumamit ito ng deskriptib-kuwalitatibong disenyo na nakabatay sa penomenolohikal na pamamaraan. Lumahok sa pag-aaral ang 20 mag-aaral sa Baitang 10 na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Isinagawa ang pangangalap ng datos gamit ang semi-structured at malalimang panayam, kabilang ang mga follow-up interview upang higit na mapalalim ang mga sagot ng mga kalahok. Sinuri ang mga nakalap na datos sa pamamagitan ng tematikong pagsusuri upang matukoy ang mahahalagang tema at magkakaugnay na karanasan. Batay sa mga natuklasan, nakatutulong ang AI sa mabilis na pag-unawa sa mga lokal na salita, pagbuo ng mga sulatin, at pagsasalin ng mga pahayag mula sa lokal na wika tungo sa Filipino. Gayunpaman, natukoy ang mga limitasyon nito sa pagkilala at wastong pagpapakahulugan sa mga lokal na salita, idyoma, ekspresyon, at kontekstong kultural at tradisyonal ng mga taga-Sorsogon. Lumitaw din na hindi palaging angkop at natural ang mga sagot nito sa aktuwal na paggamit ng wika, kaya mahalagang suriin at beripikahin ang mga impormasyong ibinibigay nito. Ipinakikita ng mga resulta na bagama’t mahalagang kasangkapan ang AI sa pagkatuto at pagpapaunlad ng kasanayang pangwika, hindi nito ganap na napapalitan ang kaalaman at karanasan ng mga katutubong tagapagsalita. Samakatuwid, inirerekomenda ang pagpapalawak ng mga lokal na datos pangwika, aktibong pakikilahok ng mga pamayanang tagapagsalita, at pagtatakda ng mga gabay sa responsableng paggamit ng AI upang mapangalagaan at mapanatili ang pagkakaiba-iba ng mga lokal na barayti ng wika sa Sorsogon.

Keywords: Artificial Intelligence, lokal na barayti ng wika, Wikang Filipino, Sorsogon, pagsasalin, penomenolohiya

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26466

Cite this article:
Albor, J. A. D., Dollente, J. C., & Marbella, F. D. (2026). Artificial Intelligence (AI) at wikang Filipino: Karanasan, hamon at pananaw sa mga lokal na barayti ng wika sa Sorsogon. International Journal of Research Studies in Education, 15(23), 105-119. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26466

* Corresponding Author