Peer Assisted Reading Instruction (PARI) sa pag-unawa sa pagbasa ng antas 11

2026 IJRSE – Volume 15 Issue 22

Available Online:  31 October 2026

Author/s:

Margallo, Florefe B.
Tina-an National High School – Senior High School, Philippines (florefemargallo39@gmail.com)

Abstract:

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang bisa ng Peer Assisted Reading Instruction (PARI) sa pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Antas 11 sa Tina-an National High School-Senior High School, Naga,Cebu sa taong panuruan 2026–2027. Gumamit ang pananaliksik ng quasi-experimental research design, partikular ang One-Group Pretest-Posttest Design, upang matukoy ang pagkakaiba ng pagganap ng mga mag-aaral bago at pagkatapos gamitin ang Peer Assisted Reading Instruction. Tatlumpong (30) mag-aaral ang naging respondente ng pag-aaral. Ginamit bilang instrumento ang paunang pagganap, panghuling pagganap, at talatanungang Likert Scale. Ang mga nakalap na datos ay sinuri gamit ang mean, standard deviation, paired samples t-test, dalas, at bahagdan. Batay sa resulta ng paunang pagganap gamit ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo, nagtamo ang mga mag-aaral ng antas na Nangangailangan ng Pagsasanay sa pagpapaliwanag ng saloobin, paghihinuha ng mensahe. Katamtaman naman, para sa stratehiya sa kritikal na pagbasa. Matapos gamitin ang PARI umangat ang kanilang pagganap sa pagpapaliwanag ng saloobin, ibat ibang stratehiya sa kritikal na pagbasa at paghihinuha ng mensahe. Ipinakita rin ng paired samples t-test na may makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng pauna at panghuling pagganap ng mga mag-aaral. Dagdag pa rito, nagpakita ang mga respondente ng positibong interes, partisipasyon at retensyon sa paggamit ng Peer Assisted Reading Instruction. Sa kabuuan, napatunayang epektibo ang PARI sa pagpapaunlad ng pag-unawa sa pagbasa. Bunga nito, nabuo ang isang Hulwarang Aralin bilang kagamitang pampagtuturo at interbensiyon upang higit pang mapaunlad ang pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral.

Keywords: Peer Assisted Reading Instruction, pag-unawa sa pagbasa, Budget of Work (BOW), hulwarang banghay aralin

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26446

Cite this article:
Margallo, F. B. (2026). Peer Assisted Reading Instruction (PARI) sa pag-unawa sa pagbasa ng antas 11. International Journal of Research Studies in Education, 15(22), 203-223. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26446