2026 IJRSE – Volume 15 Issue 15
Available Online: 20 June 2026
Author/s:
Flores, Clyde A.
Cebu Technological University – Main Campus, Cebu City, Philippines (clyde.flores@usjr.edu.ph)
Abstrak:
Layunin ng pananaliksik na suriin ang bisa ng paggamit ng Design Thinking Approach sa pagtuturo ng pagsusulat ng talumpati sa Filipino, partikular para sa mga estudyante ng kursong Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino (KOMFIL). Ito ay isinagawa upang punan ang kakulangan sa mga empirikong pag-aaral na nag-uugnay sa makabagong pedagogikal na estratehiya at kasanayan sa pagsusulat at pagsasalita sa Filipino, sapagkat karamihan sa mga kasalukuyang pag-aaral ay nakatuon lamang sa pangkalahatang pamamaraan nang hindi nabibigyang-diin ang partikular na pangangailangan ng mga mag-aaral sa konkretong kontekstong Filipino.Gamit ang isang sample na 60 mag-aaral mula sa unang taon ng AB Political Science sa Unibersidad ng San Jose-Recoletos, isinailalim ang mga respondente sa isang eksperimento na may pretest at posttest na pagsusulit upang masukat ang kanilang kasanayan sa pagsulat ng talumpati bago at pagkatapos ang interbensyon. Sa pamamagitan ng t-test, napatunayang may makabuluhang pagtaas sa general na marka (t(58) = 7.64, p < .001) matapos ang pagtuturo gamit ang Design Thinking Approach, espisipikong sa mga aspekto ng nilalaman (mean = 2.28 sa paunang marka, t(59) = 3.45, p < .01) at organisasyon (mean = 2.54, t(59) = 4.21, p < .001). Ipinapakita ng pananaliksik na ang inovasyong pedagogikal na ito ay nakapagpapahusay sa kritikal na pag-iisip, organisasyonal na kakayahan, at kakayahan sa malikhain at lohikal na pagpapahayag, kung saan ito ay nagbibigay-diin sa pagbuo ng mga makabuluhang talumpati na angkop sa Filipino na konteksto. Bukod dito, ang resulta ng pag-aaral ay nag-aambag sa teoretikal na kaalaman kaugnay ng aplikasyon ng Design Thinking sa larangan ng Filipino education, at nagmumungkahi ng pagbibigay-diin sa proseso at partikular na hakbang sa pagtuturo upang mapabuti ang kasanayan ng mag-aaral sa komunikasyong pampublikong Filipino.
Mga Susing Salita: Design Thinking Approach, Filipino education, pagsulat ng talumpati, pedagogikal na inobasyon, retorika sa Filipino
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26266
Cite this article:
Flores, C. A. (2026). Epektibong paggamit ng Design Thinking Approach sa pagsusulat ng talumpati sa Filipino: Isang sistematikong pagsusuri at pagsasagawa ng lesson exemplar para sa kaguruan at estudyante ng KOMFIL. International Journal of Research Studies in Education, 15(15), 39-45. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26266
