2026 IJRSE – Volume 15 Issue 23
Available Online: 16 November 2026
Author/s:
Ereño, Ailyn E.
Gubat National High School, Philippines (erenoailyn25@gmail.com)
Abstract:
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pormulasyon at estruktura ng wikang ginamit ng mga mag-aaral sa Senior High School sa kanilang prompting skills sa pakikipag-ugnayan sa Artificial Intelligence (AI). Ginamit sa pananaliksik ang disenyong kwalitatibong penomenohiya upang masusing maunawaan ang karanasan at pamamaraan ng mga kalahok. Ang pagpili ng mga respondente ay isinagawa sa pamamagitan ng purposive random sampling, kung saan isinaalang-alang ang mga tiyak na kraytirya tulad ng aktibong paggamit ng generative AI tools at opisyal na pagpaparehistro sa Baitang 11 at 12. Sinuri ang datos batay sa wika, sintaksis, semantika, pragmatiks, antas ng kasanayan, at mga kahirapang kinakaharap ng mga kalahok. Natuklasan sa pananaliksik na Taglish o Halong Wika (code-switching at code-mixing) ang pangunahing kasangkapang lingguwistiko ng mga mag-aaral upang mabilis at natural na maipahayag ang kanilang mga utos. Napatunayan ding mas pinipili nila ang payak at direktang sintaksis, bagamat nagkaroon ng semantic gap sa paggamit ng malalalim na salitang Filipino kaya pinalitan ito ng simpleng bokabularyo o isinalin sa Ingles. Naipakita rin ang mataas na kasanayan sa pragmatiks sa pamamagitan ng pagtatakda ng tono at gampanin, gayundin ang pagpapatupad ng limitasyon at iterative prompting na nagpapatunay ng kanilang metakognitibong pag-iisip. Pangunahing balakid ang limitasyon ng interpretasyon ng AI sa malalalim na salitang Filipino (resource asymmetry). Bilang tugon sa literature gap at layunin ng pag-aaral, pinatunayan ng mga natuklasan ang kahalagahan ng kontekstwalisasyon ng AI sa sistemang edukasyon sa Pilipinas. Binuo ang konklusyon na nangangailangan ng pormal na gabay upang mapalakas ang katumpakan sa sariling wika. Inirekomenda ang pagbuo at pagpapatupad ng mga modyul, hands-on workshop, at pagsasanay sa Prompt Engineering na nakatuon sa wikang Filipino at teknikal na pagsasalin, kalakip ang mga praktikal na implikasyon para sa mga guro, mag-aaral, at paaralan.
Keywords: artificial intelligence, halong wika, pormulasyon ng wika, prompting skills, Senior High School
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26465
Cite this article:
Ereño, A. E. (2026). Pormulasyon at estruktura: Pagdalumat sa prompting skills ng mga mag-aaral sa senior high school. International Journal of Research Studies in Education, 15(23), 187-198. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26465
