Process writing strategy bilang estratehiya sa pagpapahusay ng pagsulat ng posisyong papel sa Filipino 10

2026 IJRSE – Volume 15 Issue 22

Available Online:  31 October 2026

Author/s:

Bacho, Ralp J.
Don Vicente Rama Memorial National High School, Philippines (ralp.bacho@deped.gov.ph)

Abstract:

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang bisa ng Process Writing Strategy sa pagpapahusay ng kasanayan sa pagsulat ng posisyong-papel ng 86 mag-aaral sa Baitang 10 ng Don Vicente Rama Memorial National High School. Gumamit ang pag-aaral ng one-group pretest-posttest design at total enumeration sampling, na binubuo ng 44 mag-aaral sa St. Augustine at 42 sa St. Benedict. Sa paunang pagsukat gamit ang tradisyunal na pamamaraan, nakapagtala ng mean at standard deviation na 3.06 (0.99) sa malinaw na paninindigan, 2.83 (0.90) sa katibayan at datos, 2.72 (0.82) sa organisasyon ng kaisipan, at 2.17 (1.26) sa gramatika at mekaniks. Matapos gamitin ang Process Writing Strategy, umangat ang mga resulta sa 4.26 (0.69), 3.88 (0.50), 4.57 (0.86), at 4.41 (0.69), ayon sa pagkakasunod ng mga pamantayan. Sa pagsusuri ng pagkakaiba, nakapagtala ng mean difference na 1.20, 1.06, 1.85, at 2.23, ayon sa pagkakasunod, na may df = 85 at p < 0.001 sa lahat ng pamantayan; kaya tinanggihan ang null hypothesis at itinuturing na makabuluhan ang pagkakaiba. Sa saloobin, ang Pagpapahusay ng Kasanayan sa Pagsulat ay may overall mean na 3.38 (0.96), samantalang ang Interes at Karanasan sa Pagsulat ay 3.34 (0.98), kapwa Niyutral. Sa unang aspekto, ang mga mean (S.D.) ay 3.34 (1.07), 3.07 (1.18), 3.67 (0.77), 3.13 (1.00), at 3.69 (0.80). Sa ikalawang aspekto, 2.78 (1.17), 3.50 (0.84), 3.36 (0.94), 3.38 (1.04), at 3.70 (0.92). Ipinahihiwatig ng mga resulta na higit na napahusay ang organisasyon, paninindigan, at gramatika, habang nananatiling nangangailangan ng dagdag na pagsasanay ang paggamit ng katibayan at datos. Batay sa resulta, binuo ang Pinagyamang Hulwarang Aralin sa Pagsulat ng Posisyong-Papel.

Keywords: process writing strategy, posisyong-papel, kasanayan sa pagsulat, Baitang 10, writing strategy

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26443

Cite this article:
Bacho, R. J. (2026). Process writing strategy bilang estratehiya sa pagpapahusay ng pagsulat ng posisyong papel sa Filipino 10. International Journal of Research Studies in Education, 15(22), 157-171. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26443