2026 IJRSE – Volume 15 Issue 22
Available Online: 25 October 2026
Author/s:
Niego, Suzette S.*
Samar National School, Philippines (suzette.niego@deped.gov.ph)
Deramas, Marjorie Ann
Felomino D. Deramas Integrated School, Philippines (marjorieannderamas11@gmail.com)
Marbella, Felisa D.
Sorsogon State University, Philippines (felisa.marbella@sorsu.edu.ph)
Abstract:
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa masusing pagsusuri sa papel ng lokal na wika sa digital na komunikasyon ng kabataan bilang mahalagang salik sa pagbuo at pagpapahayag ng identidad. Sa harap ng mabilis na pagbabago ng midya at teknolohiya, mahalagang maunawaan kung paanong ang mga kabataan ay gumagamit ng kanilang lokal na wika hindi lamang bilang daluyan ng impormasyon kundi bilang kasangkapan ng kultural na representasyon at pakikipag-ugnayan. Sinuri ng pananaliksik ang paggamit ng lokal na wika sa digital na komunikasyon ng kabataan at ang papel nito sa pagbuo at pagpapahayag ng identidad. Partikular nitong inihambing ang mga praktikang pangwika ng mga kabataang gumagamit ng Waray at ng lokal na baryedad ng Bikol sa Sorsogon. Gumamit ang pag-aaral ng kwalitatibong Comparative Digital Ethnographic Research Design. Ang mga pangunahing instrumento ay Semi-Structured In-Depth Interview Guide, Digital Ethnographic Observation Checklist, at Digital Artifact Analysis Matrix. Sa pagsusuri ng datos, ginamit ang coding, thematic analysis, at paghahambing ng mga temang lumitaw mula sa dalawang pangkat. Batay sa modelong pagsusuri, lumitaw na ginagamit ng kabataan ang lokal na wika hindi lamang bilang kasangkapan sa pakikipagkomunikasyon kundi bilang paraan ng pagpapahayag ng pagiging kabilang, pagiging malapit sa kapuwa, at pagkakakilanlang pangkultura. Natukoy rin ang mga praktikang gaya ng code-switching, code-mixing, paggamit ng lokal na slang, malikhaing baybay, at pagsasanib ng tekstuwal at biswal na elemento. Lumitaw ding mahalaga ang konteksto at audience sa pagpili ng wika. Bagaman may pagkakatulad ang Waray at lokal na baryedad ng Bikol sa paggamit bilang marker ng lokal na identidad at pakikipagkapuwa, may pagkakaiba sa konteksto at paraan ng paggamit. Ipinahihiwatig ng pag-aaral na ang digital na espasyo ay hindi lamang lugar ng impluwensiya ng dominanteng wika kundi maaari ring maging daluyan ng pagpapanatili at malikhaing pagbabago ng lokal na wika.
Keywords: lokal na wika, Waray, Bikol Sorsogon, digital ethnography, kabataan, identidad, digital na komunikasyon
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26439
Cite this article:
Niego, S. S., Deramas, M. A., & Marbella, F. D. (2026). Lokal na wika sa digital na panahon: Isang comparative digital ethnography sa Waray at lokal na baryedad ng Bikol sa Sorsogon sa pagbuo ng identidad ng kabataan. International Journal of Research Studies in Education, 15(22), 115-127. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26439
* Corresponding Author
