2026 IJRSE – Volume 15 Issue 22
Available Online: 17 October 2026
Author/s:
Talledo, Mary Cris L.
University of Cebu – Lapu-lapu and Mandaue, Philippines (mctalledo@uc.edu.ph)
Abstract:
Nilayon ng pag-aaral na ito na masuri ang kabisaan ng paggamit ng Canvas Learning Management System (LMS) bilang interbensiyon sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat ng posisyong papel sa asignaturang Filipino sa Piling Larang (Akademik) ng mga mag-aaral sa Grade 12. Sinuri rin nito ang pauna at panghuling pagganap ng mga mag-aaral batay sa linaw ng posisyon, mahahalagang punto, at tono, gayundin ang epekto ng paggamit ng Canvas Learning Management System sa kanilang interes at retensiyon sa pagkatuto. Gumamit ang pag-aaral ng pre-test–post-test experimental design. Ang mga kalahok ay binubuo ng animnapung (60) mag-aaral ng Grade 12 mula sa University of Cebu–Lapu-Lapu and Mandaue Senior High School sa taong panuruan 2025–2026. Gumamit ng rubric-based performance test at talatanungan sa interes at retensiyon bilang mga instrumento. Natuklasan na ang paunang pagganap ng mga mag-aaral sa pagsulat ng posisyong papel ay nasa katamtamang antas, samantalang ang panghuling pagganap matapos gamitin ang Canvas LMS ay umabot sa mahusay hanggang napakahusay. Lumabas din na may makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng pauna at panghuling pagganap. Nagtamo rin ang mga mag-aaral ng mataas na antas ng interes at retensiyon, na nagpapakita ng positibong epekto ng paggamit ng Canvas LMS sa kanilang pagkatuto. Napagpasyahan na ang paggamit ng nito ay isang mabisang estratehiya sa pagpapahusay ng kasanayan sa pagsulat ng posisyong papel at sa pagpapaunlad ng interes at retensiyon ng mga mag-aaral. Batay sa mga natuklasan, inirerekomenda ang paggamit ng nabuong Lesson Exemplar bilang awtput ng pag-aaral upang magsilbing gabay ng mga guro sa pagtuturo ng pagsulat ng posisyong papel sa Filipino 12 gamit ang Canvas Learning Management System.
Keywords: Canvas LMS, pagsulat, posisyong papel, paglinang, Filipino 12
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26423
Cite this article:
Talledo, M. C. L. (2026). Paggamit ng Canvas LMS sa paglinang ng pagsulat ng posisyong papel sa Filipino 12. International Journal of Research Studies in Education, 15(22), 21-36. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26423
