2025 IJRSE – Volume 14 Issue 12
Available Online: 10 July 2025
Author/s:
Lazar-De Ramon, Natividad
Sorsogon State University, Philippines
Abstract:
Natiyak sa pag-aaral na ito ang Pamamaraan ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Ilalim ng Online Distance Learning sa Panahon ng New Normal. Sa paglikom ng datos gumamit ng Kwantitatibong desenyo sapagkat ito ang nakita na mas angkop gamitin. Purposive sampling ang ginamit sa pagtukoy ng mga kalahok. Binubuo ng 75 kalahok mula sa BEED 1A, 25 mula sa BSED Fil 1A at 25 sa BSED Fil 3A. Gumamit ng tseklist para sa mga kalahok. Gumamit din ng Talatanungan at pakikipanayam online. Sinuri at binigyan ng interpretasyon sa tulong ng nararapat na estadistika. Natuklasan; Nanguna, ang paggamit ng online lecture. Pangalawa, paggamit ng modyul Pangatlo, Google classroom ang maspinakagamitin sapagkat walang hassle sa paghatid ng impormasyon at mas madaling matuto ang mga mag-aaral dahil madali itong gamitin o ma access Pang-apat, sa posibleng epekto ng online distance learning sa ilalim ng new normal na pag-aaral mas nagkakaroon ng sapat na panahon sa pamilya at masnakatipid sa pinansyal. Ang teorya sa pag-aaral na ito ay naka ankla sa paniniwala nina Jean Lave, Lev Vygostsky, John Dewey, at Einstienne Wenger. Naniniwala na ang pag-aaral ay nagaganap sa loob ng mga kontekstong sitwasyon. Ang mga mag-aaral ay nakakakuha ng kaalaman mula sa pagmamasid sa iba at pagsasanay sa sarili, sa makatuwid ay nagiging “mga mag-aaral na natuto sa pamamagitan ng pag-iisip at paggabay ng eksperto or cognitive apprentice” sa loob ng komunidad.
Keywords: online learning, distance learning, pamamaraam, new normal, pagkatuto
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25163
Cite this article:
Lazar-De Ramon, N. (2025). Pamamaraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa ilalim ng online distance learning sa panahon ng new normal. International Journal of Research Studies in Education, 14(12), 205-210. https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25163
