Pagsusuri ng gramatikang Filipino sa mga sanaysay ng mga mag-aaral: Batayan sa pagbuo ng mungkahing interbensiyon sa pagsulat

2026 IJRSE – Volume 15 Issue 17

Available Online:  23 July 2026

Author/s:

Hermosora, Joseph, Jr.
Leyte Normal University, Philippines (johermosora@gmail.com)

Abstract:

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang antas ng kakayahang gramatikal ng mga mag-aaral sa pagsulat ng sanaysay sa Filipino batay sa aspektong morpolohikal at sintaks. Ginamit ang Mixed Methods na may disenyong Sequential Explanatory sa pangangalap ng kwantitatibong datos at pinagtibay ito ng resulta ng kwalitatibong datos. Matapos maisagawa ang pangangalap ng datos sa dalawang yugto, ang resulta ay pinaghalo ng mananaliksik at binigyan ng interpretasyon batay sa layunin ng pag-aaral. Nagsilbing kalahok sa pag-aaral ang mga mag-aaral na nasa Baitang 12 sa isa sa mga pampublikong paaralan sa dibisyon ng Catbalogan. Sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay ay binigyang-pagsusuri ang kakayahang gramatikal ng mga mag-aaral sa Filipino. Upang matukoy ang mga suliraning kinakaharap sa pagsulat. Sa proseso ng pagsasagawa ay isinaalang-alang ang etika ng pananaliksik. Batay sa datos na nakalap, ang mga mag-aaral ay may mataas na antas ng gramatikal na kakayahan sa paggamit ng iba’t ibang aspekto ng pandiwa sa pagsulat ng sanaysay. Bagama’t mataas ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang aspektong morpolohikal at sintaks, mayroong iba’t ibang suliranin na kinakaharap ang mga mag-aaral sa pagsulat ng sanaysay. Karaniwan sa mga suliranin sa pagsulat ng sanaysay ay ang kakulangan sa bokabularyo, pagkalito sa paggamit ng bantas, kahirapan sa pagsasalin ng mga termino, kahirapan sa paggamit ng wastong salita, pagbabaybay, at kapitalisasyon. Ang pagkakaroon ng pagtataya, pagsasanay, at mentoring bilang panukalang interbensyon sa pagpapaunlad ng kakayahang gramatikal ng mga mag-aaral sa Filipino ay makatutulong upang matugunan ang kanilang kahirapan sa iba’t ibang aspekto ng pagsulat.

Keywords: antas ng kakayahang gramatikal, Filipino, interbensiyon, pagsulat, sanaysay

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26334

Cite this article:
Hermosora, J., Jr. (2026). Pagsusuri ng gramatikang Filipino sa mga sanaysay ng mga mag-aaral: Batayan sa pagbuo ng mungkahing interbensiyon sa pagsulat. International Journal of Research Studies in Education, 15(17), 263-279. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26334